100 Tips: Life, People & Happiness (10)
81. Kapag nakakadama ng pagkalula na may kasamang “feeling†na masusuka, mainam na amuyin ang rubbing alcohol para matanggal ang masamang pakiramdam.
82. Huwag nang gumamit ng chemicals sa pagpatay ng langgam. Maglagay ng tubig at asin sa spray bottle. Kalugin hanggang sa matunaw ang asin. Iisprey sa langgam. Boom! Patay.
83. Ang pakikinig ng good music ay nagpapabago ng iyong perception sa oras. Nawawala ang pagkainip kung nakikinig sa music habang naghihintay.
84. Ang pag-inom ng tequila nang tama ay nagpapababa ng tsansa na magkaroon ng dementia.
85. Siyam na pagkain na nagtatanggal ng kabag, heartburn, indigestion, pakiramdam na masusuka: saging, luya, plain yogurt, apple sauce, papaya, oatmeal, white rice, chamomile tea, chicken soup.
86. Huwag mong pintasan ang mga “choices†sa buhay ng iyong karelasyon. Isa ka sa mga “choices†niya.
87. Kung maglilinis ka ng suka (vomit) ng iyong kapamilya, budburan muna ito ng ground coffee. Nakakatanggal ito ng maÂsamang amoy at nakakatuyo para mabilis walisin.
88. Kapag may nagbibigay sa iyo ng unsolicited advice, ang isagot mo ay “tama ka†or “you’re rightâ€. Mas diplomatic kaysa “alam ko†or “I knowâ€.
89. Nutella Cookies: 1 cup Nutella + 1 whole egg + 1 cup flour. Haluin nang paikot. Isang direksiyon lang. Ihurno ng 6 to 8 minutes sa 350 F.
90. Ubo nang ubo sa gabi? Para tumigil: Pahiran ng Vicks Vaporub ang paa. Magsuot ng medyas. (Itutuloy)
- Latest