Lampong (493)
MAKALIPAS ang ilang araw, isang lalaki na naman ang nagtungo kay Dick at nagpasalamat. Ang lalaki ay isa sa mga dumalo sa lecture ni Dick ukol sa mga magagandang pakinabang sa Uloy tree.
“Magandang araw po, Mr. Dick.’’
“Magandang araw po. Ano po ang kailangan mo sa akin.’’
“Magpapasalamat lang po ako, Mr. Dick.â€
“Para po saan?’’
“Buntis na po si Misis.’’
‘‘Talaga po? Congrats po sa’yo at kay Misis.’’
“Napaka-epektibo po ng Uloy nuts. Noong una po e hindi ako maniwala kasi marami ngayong lumalabas na mga kung anu-anong gamot daw para magkaanak pero wala namang epekto.’’
“Matagal na po ba kayong kasal ni misis?’’
“Sampung taon na po. Nagsayaw na kami sa Obando at nag-alay na kay Santa Clara pero hindi po makabuo. Malabnaw po yata ang “ano†ko, he-he-he!’’
Napangiti si Dick.
“Ikaw po ay pangalawa na sa nagtungo rito para magpasalamat sa husay ng Uloy nuts. Yung nagtungo rito noong nakaraang araw ay ibinalita na buntis na raw si Misis niya.’’
“Talaga pong epektibo, Mr. Dick. At saka ano po talaga palang nakaka-“el†ang Uloy nuts, he-he!’’
“Bakit mo po nasabi na nakaka-“el’’?’’
Lumapit ang lalaki at may ibinulong kay Dick.
Nagtawa si Dick. GanunÂdin ang kuwento ng unang lalaki na nagtungo sa kanya. Sabi ng lalaki, mula raw nang kumain ng Uloy ang misis niya, naging hot daw ito. Naging agresibo raw.
“Akala po namin, haÂbamÂbuhay na kaming waÂlang anak. Salamat po Mr. Dick.’’
“Ikaw na ang bahalang magsabi sa iba pa ang naranasan mo sa Uloy nuts.’’
“Opo Mr. Dick. Iti-text ko nga sa kapatid kong nasa Saudi dahil sampung taon na rin yatang kasal pero wala pa ring anak.’’
“Aba kailangan ay magpa-check up at baka naman talagang may deperensiya sa reproductive organ. Baka naman dahil sa sobrang init sa Saudi ay naluto na ang ‘‘ano’’ niya.
‘‘Sige po Mr. Dick at sasabihin ko.’’
Pero marami pa palang magpapatunay na lalaki ukol sa epekto ng Uloy nuts.
(Itutuloy)
- Latest