Lalaki sa Argentina, nagkaroon ng stigmata habang naglalakad pauwi
NAGLALAKAD si Emiliano Aden, 19, ng Argentina kasama ang kanyang nobya, galing silang supermarket nang bigla siyang makadama na parang may sumibat sa kanyang noo. Pero wala namang makitang sugat doon. Masakit na masakit ang kanyang noo.
Isinugod sa ospital si Aden. Pero ang sabi ng mga doktor, mayroon lang migraine si Aden. Pinauwi siya pagkaraang resetahan ng gamot.
Hanggang sa muling sumakit ang noo niya at may nakita siyang sugat. Nagdudugo iyon. Biglang nag-collapsed si Aden.
Mula noon lagi nang nagdudugo ang noo ni Aden. Sinikap ng kanyang ina na ampatin ang pagdaloy ng dugo subalit hindi pa rin mapigil. Hindi malaman ng ina ni Aden ang gagawin. Naisip niya na baka kaya may sumumpa sa kanyang anak kaya nagkasugat sa noo.
Hanggang sa ipaalam niya sa mga pari ang nangÂyayari sa anak. Hindi ni-recognized ng Simbahan ang sugat ni Aden. Hindi raw divine origin ang sugat o stigmata.
Magkaganoon man, naniniwala si Aden at pamilya niya na iyon ay stigmata. Patuloy ang pagdaloy ng dugo sa kanyang noo at nagkaroon din siya ng sugat sa pulso, tagiliran at paa. Nagpatuloy naman sa pagdarasal si Aden.
---www.oddee.com—
- Latest