Huwag mag-skip ng meals, ugaliing kumain ng almusal
“EAT twice as often, eat half as much, and chew twice as long.†Isang American doctor ang nagsabi nito. Sa tingin ko, may katotohanan ang sinabi niya.
Sino sa atin ang regular na kumakain ng almusal? Lahat ng nagsabing kumakain sila ng almusal araw-araw ay mas malayong maging mataba o obese. Tinatayang higit sa 400 percent ang layo nilang magkaroon ng obesity. Pero ang realidad ay mas kakaunti ang nakakakain ng almusal. Lahat kasi ay nag-aapura sa umaga: papasok sa trabaho, eskuwelahan, dadalo ng seminar, at iba pa.
Ang nasasakripisyo ay ang pagkain ng almusal. Kung nakaligtaan ang almusal, malamang na makaligtaan din ang pagkain ng tanghalian. Kaya hayun, kung kailan gabi, dun tayo kakain nang marami kasama ang kapamilya, katrabaho, o mga kaibigan. Ang masaklap sa ganuong praktis, sa ilang saglit ay matutulog na tayo kung kaya’t ang mga nakaing pagkain ng hapunan ay hindi na mabu-burn ng katawan. Mas madaling tumaba sa ganitong gawi.
Sinasabing ang mga taong regular na kumakain ng almusal ay ang mga taong mas malusog ang lifestyle. Bakit sinabing “eat twice as often� Tumutukoy ito sa ating mga meals at merienda sa araw-araw. Dapat daw ay 3 meals a day at may 2 merienda sa isang maghapon, may pagitan na 3 oras ang bawat kain para mamantini ang ating metabolism at blood sugar. Maging maingat lamang sa calorie content ng kakainin sa dalawang set ng kainan na ito.
Isa pang dapat isaalang-alang natin ay ang sinabing “eat half as much.†Tumutukoy naman ito sa sukat ng portion ng ating kinakain. Maraming fastfood chains ngayon ang ugaling gaÂwing large o i-upsize ang kanilang mga pagkain at inumin. Hindi dapat. Dapat kasi ay marunong tayong manantiya ng calorie content ng ating kinakain at iniinom. Tigilan na rin natin ang order na “extra rice†sapagkat ang kaning kinakain natin, kung hindi magagamit ng katawan, ay maiimbak lamang bilang taba.
Nguyain ding mabuti ang kinakain. Kailangan ay bigyan natin ang ating mga sarili ng pagkakataong ma-enjoy ang ating kinakain. Nguyaing mabuti, makipaghuntahan habang kumakain. Hindi ‘yung subo na lang tayo ng subo maya’t maya kung kaya’t wala pang 5 minuto ay tapos na ang lunch o dinner natin. Kaysa umorder ng extra cup of rice, tipirin natin o gawing unti-unti ang pag-ubos ng ating kanin.
- Latest