Lampong (490)
N ANGANAK si Jinky sa pang-12 nilang anak. Lalaki ang ipinaÂnganak niya. Pitong lalaki at limang babae lahat ang kanilang anak.
Habang pinagmaÂmasdan ni Dick ang bunso sa nursery ay hindi siya makapaniwala na makaÂgagawa ng 12 anak. Parang mahirap paniwalaan dahil noon ay problemado siya kung paano magkakaanak. Noon, kahit nga isang anak lang ang ipagkaloob sa kanya ng Diyos ay tatanggapin niya. Pero ngayon ay sobrang-sobra pa ang ibinigay sa kanila ni Jinky. At malaki ang nagawa ng Uloy nuts sa pagkakaroon nila nang maraming anak.
Wala naman silang problema kahit magkaÂanak nang marami dahil marami na silang ari-arian. Hindi sila magugutom sapagkat maunlad na maunlad ang kanilang Uloy Nuts factory. Marami silang itik. Mapag-aaral nilang lahat ang mga bata.
Kapag pinagmamasdan ni Dick at Jinky ang mga anak na masayang naglaÂlaro sa kanilang malawak na bakuran ay hindi pa rin sila makapaniwala na darami sila sa bahay na iyon.
“Tama ka, Dick, masaya nga kapag maraming anak.’’
“Naniniwala ka na sa akin ngayon.â€
“Oo. Paniwalang-paniwala.’’
“Salamat sa Diyos at pinagkalooban tayo nang maraming anak. Mayroon nang magpapatuloy ng ating negosyo. Gusto ko kasi hindi maputol ang negosyo na ating siniÂmulan.’’
“Salamat din sa Uloy at nagkaroon tayo nang matatag na buhay.’’
“Kaya nga pangako ko rin na magsasagawa ng lecture para makapagtanim ng Uloy ang mga tao. Sabi ng DENR hikayatin ko mga tao na magtanim. Kaya nga sa mga darating na araw, magsasalita ako sa mga tao at ituturo ang tamang pagtatanim ng Uloy. SaÂsabihin ko na wonder tree ang Uloy. Lahat ay narito na sa punongkahoy na ito…â€
Ganoon nga ang ginawa ni Dick. Nagsalita siya at nagturo sa mga tao.
(Itutuloy)
- Latest