^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (6)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

42. Kapag ang mga baka ay humiga sa damuhan, malaki ang tsansa na umulan.

43. Isang paraan upang maiwasan ang bad breath: Kas­kasin mo ng kutsara ang iyong dila upang matanggal ang mga nakadikit dito.

44. Orgasm ang makapagpapaluwag sa nagsisikip na ilong dulot ng sipon.

45. Ang pagkanta ay napatunayan ng mga psychologists na nakapagpapahaba ng buhay dahil nagdudulot ito ng kasiyahan.

46. Ilagay sa ice tray ang mga natirang softdrink at ilagay sa freezer. Mas mainam na ito ang magsilbing yelo sa susunod na pag-inom mo ng kagayang softdrink.

47. Patuloy pa rin ang pag-aaral kung bakit ang shitake mushroom ay nakapagpapabagal ng paglaki ng tumor at mainam na proteksiyon sa cancer.

48. Ayon sa pag-aaral na ginawa sa US, mas madalas na mahuli ng pulis ang bright colored cars, lalo na ang pula. Mas mabilis kasi itong mapansin.

49. Mas matalino ang taong “late” nang matulog sa gabi kaysa maagang matulog.

50. Huwag mong orderin ang pagkain na isina-suggest ng waiter. May pagkakataong kailangan nilang i-push ang mga pagkaing malapit nang ma-expired sa food storage.

51. Kapag napisngot ang pingpong ball, ilagay ito sa boiling water para bumalik sa normal.

52. Kung hindi mo pa nararanasan, subukan mong magpakagutom. Nakakatulong din ito para maging maawain ka sa mga mahihirap.

53. Minsan ay i-analyze mo ang nararamdamang inggit sa isang tao. ‘Yung inggit na may kasamang inis. Matutuklasan mong marami ka pang hindi alam tungkol sa iyong sarili.

(Itutuloy)

AYON

HUWAG

ILAGAY

ISANG

ITUTULOY

KAPAG

MATUTUKLASAN

MINSAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with