^

Punto Mo

Lampong (489)

Ronnie M. Halos - The Philippine Star

 â€œMGA taga-DENR po kami at napili ka namin para magbigay ng lecture ukol sa Uloy tree na nakatanim sa iyong lupain…” sabi ng isang lalaki na mukhang propesyunal at pinuno ng grupo.

“Hindi ko po maintindihan ang inyong sinasabi Sir.’’

“Nakarating po sa aming kaalaman na maraming purpose ang Uloy tree. At nang aming ipagtanong kung sino ang nagpasimula dito sa barangay ng kahoy na ito, itinuro ka ng mga tao. Ikaw lang daw po ang kauna-unahang nagtanim ng Uloy tree…’’

Kinabahan si Dick. Baka kaya nalaman na ang Uloy nuts ang epektibong gamot sa mga lalaking hindi tinatayuan at kaya narito ang mga lalaki ay para kumpirmahin iyon. Pero paano malalaman gayung lihim na lihim iyon. Wala ngang nakaalam na siya pala ang original na imbentor ng PENISITIK. Pero matagal nang walang balita sa PENISITIK dahil napatay na si Rey na umangkin dito.

“Dahil lamang po roon kaya kayo narito, Sir?” tanong niya sa lalaki.

“Gusto po namin na kumbidahin ka at magsalita sa aming pulung-pulung at balitaan para maipaliwanag ang ukol sa Uloy tree.’’

“Tungkol po sa Uloy tree o sa bunga nito?”

“Uloy tree po. Yung kahalagahan ng kahoy ng Uloy.’’

“Ah, okey. Ano po ang gusto n’yong malaman ukol sa kahoy ng Uloy?’’

“Kasi po may nakapagsabi sa amin na noong bumagyo at bumaha dito sa inyong lugar ay walang gaanong napinsala. Lumaki ang tubig pero madali lang nawala. At ang sabi po, dahil ito sa mga Uloy tree. Totoo po ba ito, Sir Dick?”

“A e opo. Mahusay po ang Uloy tree. Sinisipsip po ang tubig kaya madaling mawala ang baha.’’

“Wala raw pong napinsala?”

“Totoo. Karamihan kasi sa mga Uloy tree ay tinanim ko sa pampang ng ilog. Malawak na po ang taniman ko at lahat ng baybay-ilog ay tinaniman ko na.’’

“Nominado po kayo para sa isang parangal ng aming tanggapan. Ikaw po ang kailangan namin para makatulong sa paghupa ng baha. Matutulungan mo po ba kami na maikalat ang Uloy tree sa buong bansa, Sir Dick?”

“Aba oo. Sige. Isang malaking karangalan na mapili ako. Sige magbibigay ako ng lecture at magtuturo ako sa tamang pagtatanim. Lahat ay  maituturo ko.”

“Marami pong salamat Sir Dick. Maiiwasan na ang baha at soil erosion kapag nakapagtanim ng Uloy tree.’’

Nagpaalam na ang grupo pagkaraang kunin ang cell number ni Dick.

Masayang-masaya naman si Dick na ibinalita ang sinabi ng mga taga-DENR.

“Hero ka pala Dick. Sino ang magsasabi na dahil sa Uloy ay tatanggap ka ng papuri. Isa ka nang environmentalist.’’

“Lalo pa kapag nalaman na ang Uloy ay gamot sa ED.”

“Oo nga.’’

 

LUMIPAS pa ang panahon. Manganganak na si Jinky sa ika-12 nilang anak. Tuwang-tuwa ang mag-asawa.

(Itutuloy)

DICK

IKAW

PERO

SIGE

SIR DICK

TOTOO

TREE

ULOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with