^

Punto Mo

Mga kambing na umaakyat sa puno!

- Arnel Medina - The Philippine Star

SA Morocco lamang makakakita ng mga kambing na umaakyat sa punongkahoy.

Isa sa mga paborito nilang puno na akyatin ay ang Argan tree. Gustung-gusto nila ang bunga ng Argan na kahawig ng olive. Karaniwang anim na kambing ang umaakyat sa puno ng Argan at kinakain ang mga bunga.

Kapag nakita ng mga magsasaka ang mga kambing sa itaas ng puno ay sinusundan na nila ang mga ito. Pinupulot kasi ng mga magsasaka ang mga iniluwang buto ng mga kambing. Ang mga buto ay hindi kayang nguyain ng mga kambing sapagkat matigas.

Ang buto ay may nuts na maraming pinagagamitan. Kapag dinurog ang mga buto ay napagkukunan ng Argan oil na ginagamit sa pagluluto at cosmetics.

Maraming nakokolektang buto ang mga magsasaka at pinagkakakitaan nila.

Sa kasalukuyan, marami nang namamatay na Argan tree dahil sa madalas na pag-ak­yat ng mga kambing. Kaya inaalagaan na ng mga tao ang Argan at binabantayan  para huwag akyatin ng mga kambing.  –www.oddee.com—

ARGAN

GUSTUNG

ISA

KAMBING

KAPAG

KARANIWANG

KAYA

MARAMING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with