^

Punto Mo

‘Mga bakang hila-hila’

- Tony Calvento - The Philippine Star

ANG pusa kapag hindi sa ‘yo at puro peste ang dulot sa bahay mo inilalagay sa sako ito, dinadala sa malayong lugar iniiwan at inililigaw.

“Trabaho ang pangako niya sa amin kung bakit kami sumama sa kanya. Matapos maubos ang pera naming magkapatid saka niya na kami iniwan,” wika ni PJ. Nagtungo sa aming tanggapan sina Paul John Lopez o “PJ”, 25 taong gulang, at Mark Lopez na taga Cagayan de Oro upang ireklamo ang panloloko ng katrabahong si Joseph Labalan.

“Isa akong waiter at sa pinagtatrabahuan ko paglagpas ka na ng bente singko tatanggalin ka na nila kaya kailangan ko ng humanap ng ibang trabaho,” ayon kay PJ.

Nagpupursige sila sa paghahanap ng trabaho dahil patay na ang kanilang ama. Ang ina naman ay paralisado dahil sa pamamaga ng ‘joints’. Sila lang ni Mark ang kumakayod para sa pamilya. Pagtatanim ng palay sa Cagayan ang ikinabubuhay nila maliban sa kanyang pamamasukan bilang waiter.

“Grade 2 lang ang inabot ni Mark kaya mahirap makapasok ng trabaho,” wika ni PJ. Ang katrabaho niyang si Joseph na ‘head waiter’ sa pinagtatrabahuan ay pinangakuan sila ng malilipatang trabaho sa Bicol.

“Sa grocery kayo. Mas malaki ang kita dun kaysa dito. Tatlong libo kada buwan ang sahod,” sabi umano ni Joseph. Agad na nag-ipon ng pamasahe ang magkapatid papuntang Bicol.

“Sabi ni Joseph manghihiram daw siya ng pamasahe sa amin. Pagdating sa bahay nila sa Bicol saka magbabayad,” salaysay ni PJ. Pinahiram nila ng tatlong libong piso si Joseph.

“Yung inipon kong pera at ang binigay ng kapatid naming babae kay Mark ang ipinahiram namin,” ayon kay PJ. Ang usapan nila, sa bahay nina Joseph sila pansamantalang manunuluyan hanggang sa kayanin nilang umupa ng matitirahan.

“May taglay siyang yabang,” pahayag ni PJ.

Nobyembre 21, 2013 nang makarating sila ng Bicol.

“PJ pa-loadan natin ang cellphone mo. May pera ka pa ba dyan?” tanong umano ni Joseph. Ang natitirang isangdaang piso sa bulsa ni PJ ang kanyang dinukot at ibinigay kay Joseph. Dala din nito ang kanyang cellphone. Ilang oras na ang nagdadaan hindi pa rin bumabalik si Joseph. Sa terminal ng bus na sila nagpalipas ng gabi.

“Wala kaming dalang pagkain. ‘Di ko alam kung saan kami pupunta, wala naman kaming kamag-anak doon,” salaysay ni PJ. Kinabukasan lumapit na sila sa istasyon ng pulis upang ipaalam ang panlolokong ginawa sa kanila ng katrabaho.

“Pinapunta kami sa DSWD, dun daw kami manghingi ng tulong para makauwi sa Cagayan,” kwento ni PJ.

Pagkarating nila sa Department of Social Welfare Development (DSWD) sinabihan sila na sa Maynila sila magpunta dahil mas madali daw humingi ng tulong doon. Binigyan ng ilang lata ng sardinas at pinabaunan ng bigas para may maipangkain ang magkapatid. Isinakay sila sa bus papuntang Maynila at binigyan ng Php70.00 kasama ng address ng pupuntahan. Sa Pasay sila bumaba. Pagkarating nila sa tanggapan ng DSWD, sinabihan silang, “Wala kaming pondo dahil ibinigay sa Leyte para matulungan ang mga nasalanta ng bagyo.”

“Walang cellphone ang mama namin kaya hindi kami makatawag sa bahay. Kapag nagpadala naman kami ng sulat wala kaming permanenteng address na padadalhan kapag sumagot sila,” kwento ni PJ. Sa simbahan ng Baclaran pansa­mantalang nanuluyan ang magkapatid. Sinubukan nilang pumasok bilang taga hugas ng pinggan sa Pasay.

“Tinanong kami kung saan kami tumutuloy. Ikinwento ko ang nangyari. Hindi kami tinanggap,” ayon kay PJ. Noodles, sardinas at hininging tutong sa restawrant ang kanilang pantawid gutom. Nais ng magkapatid na makauwi sa Cagayan at makahingi ng tulong dahil sa ginawang panloloko sa kanila ni Joseph.

Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito nina PJ at Mark.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, may mga tao tayong pinagkakatiwalaan dahil nirerespeto natin sila. Ang paghahanap ng trabaho ng magkapatid ang ginamit nitong si Joseph upang bilugin ang utak ng mga ito. Pinangakuan na may trabaho silang malilipatan at pansamantalang patitirahin sa bahay nito. Alam niyang walang kamag-anak sina PJ sa Bicol kaya dun niya ito dinala. Sa kwentong ito sa amin ni PJ malamang modus nitong si Joseph na manloko ng mapagtiwala at mangmang na probinsiyano. Sasabit ka din demonyo ka dahil pasasampahan ka namin ng kasong ‘Theft’ at ‘Malicious Mischief’ sa Prosecutor’s Office. Mag-ingat kayo dito kay Joseph Labalan na taga Cagayan de Oro at kung mayroon kayong impormasyon kung saan siya matatagpuan ipagbigay alam niyo lang sa amin para mahinto ang kanyang panloloko.

(KINALAP NI CHEN SARIGUMBA) SA MGA BIKTIMA NG KRIMEN o may problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

vuukle comment

BICOL

CITY STATE CENTRE

DAHIL

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE DEVELOPMENT

HUSTISYA PARA SA LAHAT

JOSEPH

JOSEPH LABALAN

KAMI

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with