^

Punto Mo

EDITORYAL - Mag-ingat sa mga depektibong Xmas lights

The Philippine Star

MGA smuggled umano ang mga Christmas lights na ibinibenta sa mga bangketa sa Divisoria, Recto at Rizal Avenue, Baclaran, Cubao at iba pang matataong lugar sa Metro Manila at maski sa mga probinsiya. Galing China ang mga depektibong Christmas lights at iba pang pailaw. Isa lamang ito sa mga produktong nakakalusot sa Bureau of Custong (este Customs) pala. Matagal nang nakakalusot ang mga depektibong Christmas lights. Sabagay kung ang droga, baril at mamahaling kotse ay nakakalusot sa corrupt na Customs, di mas lalo ang Christmas lights.

Nakalatag sa bangketa at bungkos-bungkos ang mga Christmas lights na binebenta ng 3 for P100. Murang-mura kumpara sa mga makabagong Christmas lights (LED type) na ang 100 lights ay P500.

Pero dahil mahirap ang buhay, kinakagat na rin ng mamamayan na walang gaanong budget ang mga depektibong Christmas lights. Maaari nang pagtiyagaan dahil kumikindat-kindat naman ang ilaw. Papalit-palit din naman at kumukutitap ang mga ilaw at nagkakaroon ng diwa ang Pasko.

Subalit kapahamakan ang maaaring idulot ng mga murang Christmas lights. Ang mga Christmas lights na ito ang karaniwang nagdudulot ng sunog hindi lamang sa Metro Manila kundi sa mga probinsiya. Madaling masunog ang wire ng Christmas lights dahil sobrang nipis nito. Madaling pumutok ang bulb sapagkat ma­nipis at hindi dumaan sa quality control. Kapag nag-init ang bulb, uusok ito at dito na magsisimula ang apoy. Mas madaling kumalat ang apoy kapag nakadikit sa kurtina.

Ang anak na babae ni dating House Speaker Jose de Venecia ay namatay sa sunog dahil sa mga depektibong Christmas lights ilang taon na ang nakararaan. Nakulong sa loob ng kuwarto ang anak ni De Venecia.

Huwag isapalaran ang buhay sa mga depektibong Christmas lights. Bilhin ang may ICC mark na dumaan sa pagsusuri at aprubado ng Department of Trade and Industry (DTI). Huwag bumili ng mga depektibong Christmas lights na magdadala sa hukay.

BUREAU OF CUSTONG

CHRISTMAS

DE VENECIA

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

GALING CHINA

HOUSE SPEAKER JOSE

HUWAG

LIGHTS

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with