^

Punto Mo

‘Dinilaan ng apoy’

- Tony Calvento - Pang-masa

HUWAG mong idikit ang iyong katawan sa mainit na bakal at baka malapnos ito. Mas lalo kang mag-ingat na ilapit ang iyong dila sa nagbabagang kahoy dahil siguradong mapapaso ka.

“Nanalo na sila ano pa ba ang gusto nila? Sabi ko mag move-on na. Binasa ko lang naman kung ano ang sampung utos ng tamang pagboto,” simula ni Nora.

Isang biro umano ang binitawan ni Leonora Lorica o “Nora”, 56 taong gulang, taga Makati City ang nagpakomplika sa kanyang sitwasyon. “Halos hindi na ako lumalabas ng bahay dahil lagi akong minumura,” kwento ni Nora.

Ika-17 ng Nobyembre ng taong 2013 nang magkaroon ng sunog sa kanilang barangay. “Sa gitna nagsimula ang sunog. Nasa may bukana ang bahay ko. Nung makita kong hindi naman ako aabutin dahil pakabila ang direksiyon ng apoy pinapunta ko ang mga bata sa may tapat ng bahay,” salaysay ni Nora. Nang humupa na ang sunog, nakita niya ang asawa ng kanyang pinsan.

“Ano na?” tanong niya. “Wala na,” sagot sa kanya. “Wala na? Wala ng bahay?” biro umano ni Nora. Nagtawanan ang kanyang mga kapitbahay na noo’y nakatambay sa tapat ng kanilang bahay. Nagkataon naman na dumaan ang kapatid ni Kapitan Ramon Espeña na si Edith. Napalingon umano ito sa kanya sabay sabing, “Gago! Tarantado! Pu@n6 1n4 mo!”

“Gago ka rin! Anong pinagsasabi mo?” tanong ni Nora kay Edith.

May kabarangay silang umawat kaya’t nahinto ang sagutan sa pagitan ng dalawa. Umalis si Edith sa kinaroroonan ni Nora. Makalipas ang isang oras dumating naman ang isa pang kapatid ni Kapitan Ramon na si Puroy at dinuro-duro umano siya. “Hanggang nung tumalikod siya puro siya mura,” ayon kay Nora. Ilang sandali lang ang nakalipas dumating si Kapitan Ramon na may kasamang isang empleyado ng barangay, kagawad, OIC ng bantay bayan, isang kapatid at ilang mga nag-rescue.

“Ikaw Nora iimbitahan kita sa barangay. Kung ano-ano ang sinasabi mo,” sabi ni Kapitan. Sinabihan din ni Nora si Kapitan Ramon na walang tubig ang trak. Sinagot naman siya nito, “Walang tubig? Sige kunin mo nga yung hose at bugahan mo to!” wika daw ni Kapitan.

“Hindi ko na gaanong na­rinig kung ano pa ang sinabi ni Kapitan basta narinig ko na lang minura-mura ako ni Eddie Boy Bulado,” salaysay ni Nora. Napag-alaman na lamang ni Nora na ang kumakalat umanong sinabi niya ay “Hindi pa ba sila sunog lahat dun?” May testigo umanong nakarinig sa mga sinabi ni Nora. Mariin naman itong itinatanggi ni Nora. Nagsimula umano ang ganitong hindi pagkakaunawaan nang maging EMCEE o ‘Master of Ceremonies’ siya ng kabilang partido nung barangay election. Puro patanong daw ang sinasabi niya tulad ng “Nagawa ba nilang lahat ang ipinangako nila noong nakaraang eleksiyon?” at binabasa niya ang sampung utos ng tamang pagboto. “May narinig ako na may gustong sumugod sa akin. May umawat lang kaya hindi natuloy,” salaysay ni Nora. Ang ipinagtataka ni Nora, tapos na ang eleksiyon pero hindi pa rin humuhupa ang init ng banggaan sa pagitan nila. Malaki ang lamang nina Kapitan Ramon sa botohan at tanggap na niya ang kanilang pagkatalo.

PARA SA ISANG patas na pamamahayag, nakipag-ugnayan kami sa barangay nina Nora upang maging malinaw ang tungkol sa isyung ito. Nakausap namin doon ang kalihim ng barangay na si Dennis Serdeña.  “Nandoon ako sa pinangyarihan ng sunog. Sampu hanggang labindalawang talampakan ang layo ko sa kanila,” sabi ni Dennis.  Kaibigan niya daw si Nora at nagulat daw siya sa mga sinabi nito. Wala din daw umanong masama sa pag-iimbita ng kapitan kay Nora sa barangay. “May mga testigo po ako at videos­ na makakapagpatunay ng mga nangyari,” wika ni Dennis.

Nangako din siya sa amin na dadalhin niya sa aming tanggapan ang mga testigong sinasabi niya upang maging malinaw ang usa­ping ito ngunit hanggang ngayon ay hindi pa sila pumupunta. Nais magsampa ng kaso ni Nora ngunit ang inaalala niya ay baka hindi siya mabigyan ng ‘Certification to File Action’ dahil mga opisyal ng barangay ang kanyang kalaban. Ito ang dahilan ng paglapit niya sa aming tanggapan.

Itinampok namin sa aming­ programang “CALVENTO FILES” sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat” ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12nn) ang kwentong ito ni Nora.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, sa isang sitwasyon tulad ng sunog maraming tao na magagalit kung nabiktima na nga sila masaya ka pa. Kung bibigyan natin ng ‘benefit of the doubt’ itong si Nora, na hindi ganun nga ang sinabi niya, marahil dahil sa kaguluhan, ingay at tarantahan iba ang narining nilang mga katagang sinasabi ni Nora. Kung tama naman ang kabilang panig, napaka sadista naman nitong si Nora na pagtawanan pa ang sakuna na nangyari sa iba. Matakot ka rin sa Karma. Ang tungkol naman sa panduduro at pagmumura ng mga opisyales ng baranggay kay Nora, kung totoo nga ito ay maaari niyang sampahan ang mga ito ng ‘Slander’ o Oral Defamation. Maari din siyang magreklamo sa tanggapan ng Department of Interior of Local Government (DILG) sa tanggapan ng Office of the Barangay Affairs. Kung meron lang mamamagitan para mapag-ayos silang lahat na galing sa iisang barangay baka maayos pa ito. Palagi kong sinasabi na ‘the worst compromise is better than litigation’. Kung madadaan naman ito sa magandang usapan ay huwag na sanang paabutin pa sa korte. (KINALAP NI CHEN SARIGUMBA)

Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor City State Centre bldg.  Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166, 09213784392, 09198972854 o tumawag sa 6387285 at 7104038.

BARANGAY

KAPITAN

KAPITAN RAMON

NAMAN

NIYA

NORA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with