^

Punto Mo

100 Tips: Life, People & Happiness (3)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

16. Nakakasira ng immune system ang pagtulog sa gabi ng 9 na oras o higit pa.

17. Hayaan mong paligiran ka ng “positive people”, nakakahaba ‘yun ng buhay.

18. May dalawang “rules”  para magtagumpay:

      1) Huwag mo ibibigay ang lahat ng iyong alam.

      2) (Secret)

19. Gusto mong hingin ang number ng bagong kakilala sa isang party pero nahihiya kang kunin ito. Mag-selfie kayong dalawa. Kung cell phone mo ang iyong ginamit, itanong mo ang number niya para mai-send mo ito sa kanya. Kung kanya naman, i-request mong i-send niya ito sa iyo.

20. Layuan mo ang mga taong nagdudulot sa iyo ng negatibong pakiramdam. Maikli lang ang buhay para aksayahin mo ang iyong oras sa kanila.

21. Kung naubos ang battery ng iyong calculator sa gitna ng exam, san­daling pagkiskisin ang dalawang dulo ng battery. Mapapatagal nito ng 15 minutes ang “buhay” ng calculator.

22. Ang pagkain ng sabaw mula sa pinakuluang buto-buto ng karne ay naka­kalakas ng “guts”. Ang guts ay itinuturing na second brain. Ang 90 percent ng “happy hormones” or serotonin ay nakaimbak sa “guts”. Ang sabaw mula sa buto ay nakakapagpalusog ng guts. Kailangan ang healthy guts para maging healthy ang brain.

23. Hindi mo makakalimutan ang pangalan ng bagong kakilala kung uulitin mong banggitin ang kanyang pangalan sa unang pagkikita.

24. Kung gagawa ng resumé, ilagay mong naging Person of the Year ka noong December 25, 2006 sa Time Magazine. Sa nabanggit na petsa, ipinahayag ng Time Magazine na lahat ng tao ay Person of the Year. Hindi picture ng tao ang nasa cover kundi tatlong letra:  “YOU”.

(Itutuloy)

HAYAAN

HUWAG

ITUTULOY

KAILANGAN

LAYUAN

PERSON OF THE YEAR

TIME MAGAZINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with