Lampong (485)
NAALALA ni Dick noong panahong ayaw “lumaban†si Batutoy at muntik nang masira ang pagsasama nila ni Jinky. Akala niya, wala nang solusyon pero meron pala --- itik lang pala na pinatuka ng bungang Uloy. Nasolb ang problema. Bumalik ang tikas ni Batutoy at nagkaayos sila. Nagkaroon sila ng anak na babae.
Pero ngayon, medyo nakakaligtaan na naman niya si Jinky at kakatwa ang nangyayari sapagkat kaya niya ito nakakaligtaan ay dahil sa pagiging abala sa kanilang produktong Uloy Nuts na napakarami nang nakakagusto. Kakaiba raw sa lahat ng nuts ang Uloy. Kung bakit napakasarap at napakalinamnam ay hindi maipaliwanag ni Dick. Inaamin ni Dick na dahil sa sobrang pagod sa pag-aasikaso sa Uloy Nuts Factory ay hindi na niya napapaligaya si Jinky. Pagdating ng gabi ay ibaÂbagsak na lamang niya ang katawan sa kama at naghihilik na siya. Sobrang pagod ang nadama niya. Mas lalo siyang napapagod kapag mayroong mga nagrereklamo na hindi nakakuha ng order kagaya ng isang customer na umorder ng isang dyip na Uloy Nut Crackers pero hindi nila nagawa ang order. Nagbigay na ng paunang bayad ang customer pero walang nakuha nang araw na bumalik. Dadalhin daw sa Cebu ang Uloy Nuts dahil maraming nakagusto. Galit na galit ang customer. Isinauli ni Dick ang paunang bayad at nag-sorry sa lalaki.
Ngayon, sa pagkakatitig ni Dick sa nakatutuksong katawan ng asawa ay natauhan siya. Hindi niya dapat pabayaan si Jinky. Kaila-ngan niyang paligayahin ang asawa. Hindi niya dapat kinakawawa.
Pinagmasdan niya ang pagkakahiga ni Jinky. Katukso-tukso. Nang-aakit. Nanghahamon. Biglang may sumilakbo sa kaibuturan ni Dick. Umalma. Nag-umigting.
Naghubad si Dick at tinabihan si Jinky. Dinama niya ang katawan nito. Napakinis. Nang salatin niya ang manipis na pantulog, nalaman niyang wala na pala itong damit-panloob. Naghihintay lamang pala talaga ang asawa.
Eto na siya. Kailangang maibigay na ang init na dulot ng Uloy Nuts. (Itutuloy)
- Latest