^

Punto Mo

American author Mark Twain, ipinanganak noong lumitaw ang Halley's comet at nang siya ay mamatay muli itong lumitaw

- Arnel Medina - Pang-masa

SINO ang hindi nakakakilala kay Samuel Langhorne Clemens  o mas kilala sa tawag na Mark Twain? Siya ang sikat na American humorist at author. Lahat nang sinulat niyang nobela ay kinagiliwan. Ilan sa mga nobela niya ang The Adventures of Tom Sawyer at Adventures of Huckleberry Finn na tinaguriang “Great American Novel”.

Pero alam ba ninyong nahulaan ni Twain kung kailan siya mamamatay? Sabi niya kapag muling lumabas o lumitaw sa kalawakan ang Halley’c Comet, sa araw na iyon din siya mamamatay.

Nang ipanganak si Twain noong Nobyembre 30, 1835, lumitaw sa kalawakan ang Halley’s Comet. Mula noon sinabi ni Twain na kapag muling lumabas ang comet pagkaraan ng 75 taon nitong pag-orbit, mamamatay din siya. “I came in with Halley’s Comet­... It is coming again ... and I expect to go out with it...

Pagkaraang atakehin sa puso noong Abril 21, 1910, namatay si Twain. Tama ang hula niya sapagkat lumitaw muli ang Halley’s Comet.

---www.oddee.com---

 

ABRIL

ADVENTURES OF HUCKLEBERRY FINN

ADVENTURES OF TOM SAWYER

GREAT AMERICAN NOVEL

HALLEY

ILAN

LAHAT

MARK TWAIN

SAMUEL LANGHORNE CLEMENS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with