^

Punto Mo

‘Office manners sa gobyerno’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

SIMPLENG sumbong na karaniwang hindi napagtutuunan ng pansin ang “kagaspangan” ng pag-uugali ng mga em­pleyadong humaharap o mga tinatawag na front liner sa bawat tanggapan mapa-lokal man o nasyunal.

Nakaabot sa BITAG ang iba’t ibang reklamo sa umano’y pagsusuplada at pagpapakita ng hindi maayos na ugali ng mga front liner.

Kaharap ang mga tao, tila baga ayaw nila silang pagsilbihan at para bang karapatan muna nilang magalit sa kanilang kinakausap bago asistihan at tulungan. Mali!

Isa ito sa mga bulok na kalakaran sa mga tanggapan, gobyerno man o pribado.

Kung tutuusin, hindi na ito dapat tinatalakay nang malawakan pero dumarami yata ang mga nakakalimot sa kanilang tungkulin kung bakit sila nakaupo diyan.

Nitong mga nakaraang araw, isa sa mga naging sentro sa aking programa sa radyo ang mga sumbong hinggil sa pagsusuplada ng ilang empleyado sa city hall ng Dasmariñas, Cavite at Las Piñas.

Hindi na kailangan pang ituro ito. Makitungo sana nang maayos ang mga empleyadong humaharap sa mga tao. Hindi naman lalapit sa inyo ang mga ito kung wala silang kailangan.

Pinaaalalahanan ng BITAG ang mga empleyadong isinumbong sa amin at mga hindi pa naisusumbong, ayusin n’yo ang pakikitungo sa mga tao.

Baka nakakalimot kayo dahil sa personal na problema at nadadala n’yo ito sa pinapasukan ninyong departamento, nadadamay tuloy ang publiko.

Payo ng BITAG sa mamamayan, isumbong sa amin ang inyong reklamo sakaling bulyawan o supladahan kayo ng mga nagtatrabaho sa iba’t ibang tanggapan ng gobyerno.

vuukle comment

CAVITE

DASMARI

ISA

KAHARAP

LAS PI

MAKITUNGO

NAKAABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with