Storm surge o daluyong?
NANG manalasa ang bagyong Yolanda na kumitil sa maraming buhay at sumira ng mga ari-arian sa Central Visayas, pinagtalunan sa mga balita at social networking site ang salitang storm surge.
Ang storm surges ang saÂlitang dayuhang ginamit ng mga weathermen sa Pilipinas at ng ibang mga
eksperto sa mundo sa paglaÂlaÂrawan sa isa sa mangyayari nang unang magbigay sila ng babala bago pa noon dumating si Yolanda sa bansa. Pagkaalis ni Yolanda ay gumulantang sa mundo ang naging epekto niya, naging paksa rin kung ano ba ang salin sa Filipino ng storm surge. Hindi ito masabi ng PAGASA sa sarili nating wika kaya marami ang nalilito kung ano ang storm surge. Ito na nga ba ang sinasabi ni President Aquino na dapat ipaliwanag ng PAGASA sa wikang Filipino ang lahat ng mga pagtataya nito sa lagay ng panahon sa bansa.
Pero, tulad ng ibang terminolohiya sa siyensiya, walang direktang salin sa Filipino ng storm surges na siyempre pa ay salitang nagmula sa ibang bansa. Kahit mismo ang puno ng Komisyon ng Wikang Pilipino at national artist na si Virgilio Almario ay sinasabi na lang na ang pinakamalapit lamang na katumbas ng storm surge sa Filipino ay “daluyong.†Sabi sa bagong diksiyunaryong Pilipino-Pilipino ni Julio Silverio, ang ibig sabihin ng daluyong ay “malalaking alon.â€
Dahil nga walang direktang katumbas sa Filipino, maaari lang ilarawan sa sariling lengguwahe natin ang storm surge. Kung pagbabatayan ang pakahulugan ng mga eksperto, sa storm surge, ang tubig sa karagatan ay tumataas at ang mga alon ay binabayo ng malalakas na hanging dulot ng bagyo papunta sa mga baybayin papasok sa kalupaan. Ang bagyo ang nagdala nang malalaÂking alon papunta sa lupa. Halos walang pinagkaiba sa tsunami bagaman ang tsunami ay bunsod ng malakas na lindol o pagputok ng bulkan o ng anumang malakas na pagsabog sa ilalim ng karagatan. Para namang magiging artipisyal kung mag-iimbento ang PAGASA ng salitang Filipino ng storm surge. Pero hindi rin naman masama kung tawagin na lang itong daluyong.
(Anumang reaksyon sa kolum na ito ay maipaparating sa e-mail address na [email protected])
- Latest