^

Punto Mo

EDITORYAL - Nagkaroon din ng leksiyon

Pang-masa

INAMIN ng gobyerno na naging mahina sila sa pagbibigay ng tulong sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda. Sinabi ni Press Secretary Herminio Coloma sa presscon noong Huwebes na tinatanggap nila ang mga kritisismo mula sa foreign journalists sa pagbibigay ng relief operations. Ayon kay Coloma, ang mga puna ang nagturo sa kanila para maging perpekto na ang pag-ayuda nila sa mga taong nabiktima ng kalamidad gaya ng nangyari sa Leyte at Samar at iba pang lugar sa Visayas Region. Napuruhan ang Tacloban sapagkat dito nag-landfall si Yolanda. Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRMMC) nasa 3,000 na natatagpuang patay sa pananalasa ni Yolanda noong Nobyembre 8. Inilibing na sa mass graves ang mga bangkay noong Huwebes.

Kung hindi pa binatikos ng CNN at BBC ang mabagal na pagbibigay ng relief goods, hindi mamumulat ang gobyerno. Saan naman nakakita na pagkalipas pa ng anim na araw saka lamang nagkukumahog ang gobyerno para mahatiran ng pagkain, tubig, gamot at damit ang mga biktima. At kumilos lamang sila makaraang “bugbugin” ng foreign media. Inatasan ni President Aquino ang kanyang Cabinet na magtrabaho. Siya na ang namuno sa pagbibigay ng assignment sa mga miyembro ng Cabinet. Paano kaya kung walang foreign media na bumatikos sa pamahalaan? Baka hanggang ngayon, wala pang dumarating na tulong? Katwiran ng pamahalaan, wala raw madaanan ang mga magdadala ng tulong kaya hindi agad nahatiran ang mga biktima. Marami raw sagabal sa pagdadala ng tulong.

Pangako ni Coloma, sa susunod daw ay magiging perpekto na ang gobyerno sa pag-response sa mga biktima. Ibig sabihin ni Coloma, sa sunod na paghataw ng bagyo ay agad na silang aayuda.

Taun-taon, nasa 20 bagyo ang humahataw sa bansa. Kailangan pa bang maging mabagal sa pagtulong gayung lagi nang dinadalaw ng bagyo ang bansa? Sana nga, sa susunod na hataw ng kalamidad ay hindi na sila makupad.

AYON

COLOMA

HUWEBES

IBIG

NATIONAL DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

PRESIDENT AQUINO

PRESS SECRETARY HERMINIO COLOMA

VISAYAS REGION

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with