^

Punto Mo

Illegal gambling

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

DISMAYADO ang mga ilegalista sa Southern Luzon dito sa liderato ni Calabarzon police director Chief Supt. Jesus Gatchalian. Matapos kasing magbigay sila ng lingguhang intelihensiya nitong mga nakaraang linggo, aba biglang iniutos ni Gatchalian na isara ang mga negosyo nila. Habang papalapit kasi ang Kapaskuhan, ninais ng mga ilegalista na tuloy-tuloy na ang operation nila subalit sa isang iglap bumaliktad ang sitwasyon nila sa kautusan ni Gatchalian. Sa ngayon kasi, ang natitirang bukas sa Calabarzon area ay ang bookies ng Small Town Lottery (STL) lalo na yung sa ilalim ng prangkisa ni Cesar Reyes. Ang kompanya ni Reyes na Batangas Exchange Incorporation ay naka-sub contract pa sa ibang gambling financiers sa Batangas. Maliwanag naman mga kosa sa mga report ng PNP na ang bookies ng STL ay front lang ng jueteng, eh bakit hindi ito harabasin ni Gatchalian. May P800,000 kayang dahilan kada buwan? Ano sa tingin n’yo mga kosa? Kanya-kanyang raket lang ‘yan!

Pero sa ganang akin, hindi dapat madismaya ang gambling lords sa Calabarzon area dahil ilegal naman ang mga negosyo nila. Kung ayaw nilang maabala ng kapulisan, dapat lumipat na sila sa legal na negosyo para maiwasan na makotongan sila ng opisina ni Gatchalian, at iba pang operating units ng PNP tulad ng CIDG, at IG. Kaya dapat suportahan ang aksiyon ni Gatchalian para mabura na ang illegal gambling sa Calabarzon area, di ba mga kosa? Mismo! Kaya go, go, go Gen. Gatchalian Sir! Puksain mo ang illegal gambling para maniwala ang sambayanan na talagang seryoso ka sa ‘‘no take’’policy na kautusan ni DILG Sec. Mar Roxas. Hehehe! Bodabil lang kaya ang kautusan ni Gatchalian?

Ang unang nagsara mga kosa, ay ang mga sugal-lupa tulad ng mga sakla nina Perry sa Bacoor, Amy sa Imus at Danny Itlog sa Cavite City, Noveleta, Kawit at Binakayan. Sumunod namang nagsara ang mga peryahan nina Tessie malapit sa sabungan sa San Pablo City cemetery sa Lagu-na; Baby Panganiban sa Tanauan, Tessie sa Ibaan, Tita sa Malvar, Boy Life sa Lipa City at Rudy sa Nasugbo lahat sa Batangas; at Jessica sa Dasmariñas, Cavite. Teka nga pala! Nagyayabang si Boy Life na bagyo siya kay Roxas, eh bakit napasara ang negosyo niya ni Gatchalian? Lumalabas na peke lang pala si Boy Life, di ba mga kosa? Kapag naapektuhan ang tsansa ni Roxas na maging presidente ng Pilipinas, tiyak lagot si Boy Life at asawang si Ivy. T’yak yon, di ba mga kosa?

Nais ko namang batiin si Gatchalian dahil sa naging acting capacity na siya bilang Calabarzon police director. Sa unang bugso kasi, OIC lang si Gatchalian, kaya pursigido siya sa «no take» policy ni Roxas. Subalit nang naging acting na si Gatchalian, aba nagsimula namang umikot ang gambling godfather ng Calabarzon na si Dodjie Lizarda at kumubra ng lingguhang intelihensiya sa gambling lords. Napilitan namang ipasarang muli ni Gatchalian ang mga pasugalan sa takot na baka maapektuhan ang minimithi niyang permanent status sa Calabarzon police. Mismo!

Kahit walang lingguhang intelihensiya sa illegal gambling, mabubuhay si Gatchalian sa STL bookies, at sa milyon mula sa MOE at ASA na galing sa Camp Crame at sa libreng gas ng PMS, anang mga kosa ko sa Calabarzon. Abangan!

BABY PANGANIBAN

BATANGAS

BATANGAS EXCHANGE INCORPORATION

BOY LIFE

CALABARZON

CAMP CRAME

GATCHALIAN

ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with