^

Punto Mo

Ingatan ang kaisipan

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

“THE way we think determines the way we act.” Hinuhulma ng ating kaisipan ang ating galaw, pasya at maging takbo ng buhay. Hindi maikakailang malaki ang epekto ng pag-iisip sa buhay. Naiimpluwensiyahan ng mga iniisip ang mga nangyayari sa buhay. Kung positive, mga magaganda lang ang maa-attract sa buhay. Kung negative, kabaliktaran, kahit maganda ay pangit pa rin. Kaya kung gustong gumanda ang buhay, kailangan ay puro magaganda ang pahintulutang pumasok sa isip.

“You are not what you think you are. What you think, you are.” Naaapektuhan ang pagkatao sa klase ng kaisipang nilalaman ng isip. Everything you think has an impact on the kind of person you will become. Kaya kung gustong mabago ang buhay, ang unang hakbang ay baguhin ang pananaw tungkol dito.

Minsan sa materyal na mga bagay at magandang pangyayari nakaangkla ang kasiyahan. Kaya pag nawala ang kinakapitan, pati mood bumabagsak. Kaya mahalaga na ang happiness sa buhay ay hindi nakadepende sa mga ito, kundi sa pananalig sa Diyos na ano man ang mangyari, dahil kapiling Siya, kahit pa wala ng mga bagay na dati ay pinanggagalingan ng kasiyahan, ay mananatili pa ring maligaya.

Narito ang mga sinabi ng book author na si Zig Ziglar: “Ingatan ang kaisipan, nagiging salita ang mga ito. Ingatan ang mga salita sapagkat nagiging kilos ang mga ito. Ingatan ang mga kilos dahil magiging habit ito. Ingatan ang mga makakasanayan dahil nagiging karakter ito. Ingatan ang pagkatao dahil ito ang magiging kapalaran.

Ang simpleng kaisipan ay may direktang epekto sa kapalaran, kaya feed your minds carefully!

vuukle comment

BUHAY

DIYOS

HINUHULMA

INGATAN

KAYA

MINSAN

NAAAPEKTUHAN

ZIG ZIGLAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with