TATLONG sikat na pastor ng iba’t ibang relihiyon ang sabay-sabay na namatay kaya’t magkakasama rin silang umakyat sa gate ng kalangitan. Nagkataong may pinagkakaabalahan noon si San Pedro kaya’t walang sumaÂlubong sa tatlo. Naghintay sila nang matagal sa gate nang may dumating na isang magandang dalaga na halatang mayaman dahil sa mga diamanteng dekorasyon ng kanyang damit. Ang akala ng tatlo ay maghihintay din ito sa pagdating ni San Pedro ngunit sa kanilang pagtataka ay tuluy-tuloy itong pumasok sa langit.
“Di ba’t siya ang maganda at sikat na anak ng bilyonaryong may-ari ng malalaking hotel sa US?†sabi ng pinakamatanda sa tatlo.
“Oo nga, siya iyon. Bakit kaya hindi na siya dumaan kay San Pedro for evaluation? Tuluy-tuloy ang hitad sa pagpasok sa langit. Di ba’t minsan na siyang nakulong dahil sa drugs?â€, ang nagsalita ay author ng ilang libro tungkol sa Kritiyanismo.
“May palakasan na siguro dito sa langit†komento ng pinakabatang pastor.
Dumating sa wakas si San Pedro at aksidenteng narinig niya ang huling tinuran ng pinakabatang pastor.
“Pasensiya na sa paghihintay ninyo nang matagal. Maraming ipinagawa sa akin si Bossing. Tungkol doon sa katanungan ninyo na bakit pinapasok kaagad sa langit ang dalagang bagong dating kahit hindi ko pa nae-evaluate, ganito kasi: Ang dalagang iyon ay biglaan ang pagkamatay dahil sa car accident. Nagimbal hindi lang ang buong Amerika kundi ang buong mundo. Na-realize nilang dapat palang mamuhay nang tama at maging mabuting tao sa lahat ng oras upang laging handa sa pagharap sa ating Panginoong Diyos. Maraming tao ang nagbagong buhay dahil sa kamatayan ng daÂlagang iyon. Kung ikukumpara ang bilang ng mga taong naimpluwensiyahan ninyo, mas marami ang naimpluwensiyahan ng dalagang mayaman kaysa inyo. Kaya hayun, tuluy-tuloy siya sa heaven.â€