Lampong (466)
HINDI makapaniwala sina Dick at Mulong sa dami ng kanilang na-harvest na bunga ng uloy. Naka-100 kaing na sila at marami pang aanihin.
“Mulong, mukhang lalampas pa sa 100 kaing ang maha-harvest natin.’’
“Oo Ninong. Kasi itong kinunan natin ay isang bahagi lang. Yung nasa may mga kulungan ng itik ay hindi pa natin nakukuha.’’
“E di huwag nating kunin ang mga nasa kulungan at hayaan na lang natin na itik ang tumuka. Di ba hindi naman natin aalisin ang mga itik kahit na may bago tayong negosyo.â€
“Sige Ninong. Pero hindi rin kayang ubusin ng mga itik ang mga buto ng uloy. Marami rin ang nasasayang.’’
“Hayaan na lang natin na tukain nila nang tukain.’’
“Sige Ninong.’’
“Ang gagawin natin, kapag nakuha nang lahat ang mga buto ay deretso na sa pinaghuhugasan. Kailangang malinis na malinis ang buto bago natin dalhin sa drier.’’
“Oo Ninong. Pero kaÂilangan pa ba nating piliin ang mga buto o after nang maidaan sa drier.’’
“After na sa drier. Kasi kapag natuyo, dun makikita kung walang laman ang buto. Parang mga mani di ba? Yung maliliit na buto ay hindi natin isasama.’’
“Pagkatapos sa drier ay deretso na sa pagsasangag, Ninong?â€
“Hindi pa. Kailangang mahiwalay ang balat ng uloy. Ang mismong nuts ang ating kailangan. Kapag malinis na malinis na ang nuts, saka pa lang natin isasangag. Kailangang mahina lang apoy para katamtaman ang luto.’’
“Okey Ninong.’’
“Pagkatapos saka tayo maglalagay ng flavor — garlicÂ, adobo etc.’’
“Ang galing mo Ninong.’’
“Pero ang matindi, hindi basta nuts itong product natin. Ito ang gamot sa mga lalaking may erectile dysfunction. Kapag nakain ito, tiyak na maraming sisigla.’’
Nakangiti si Mulong. Tiyak na magtatagumpay sila. At yayaman.
(Itutuloy)
- Latest