^

Punto Mo

‘Narating ko ang Impiyerno at Purgatoryo’ (2)

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Ang mga sumusunod ay testimonya ni Father Jose Maniayangat, isang Indian national, tungkol sa kanyang near-death experience noong 1985.

Ang Pagbisita sa Purgatoryo

Pagkagaling sa impiyerno ay sinamahan naman ako ng anghel sa purgatoryo. Mayroon din pagpapahirap sa mga kaluluwa at mayroon din apoy kagaya sa impiyerno ngunit hindi kasing intense ng sitwasyon sa impiyerno. Ang kaluluwang napapunta sa purgatoryo ay iyong nakagawa rin ng mortal sins ngunit nagsisi sila at humingi ng tawad sa Panginoong Diyos noong nabubuhay pa. Kahit ang mga kaluluwa ay naghihirap sa purgatoryo, naroon pa rin ang pag-asa nila na darating ang panahon na makakapiling din nila ang Panginoong Diyos. Isang kaluluwa ang aking nakausap. Ang pakiusap nito: Ipagdasal daw sana sila ng mga tao upang mapabilis ang pag-akyat nila sa langit.

Ang Pagbisita sa Langit

Isang nagliliwanag at puting tunnel ang aking dinaanan kasama ang aking guardian angel patungo sa langit. Habang naglalakbay sa tunnel, noon ko lang naranasan ang nag-uumapaw na katahimikan at galak sa aking puso. Kaagad bumukas ang kalangitan. Narinig ko ang pinakamagandang musika at tinig ng nag-aawitang anghel. Awit iyon ng pagpupuri sa Panginoong Diyos. Naroon ang Mahal na Birheng Maria at si San Jose. Nakita ko rin ang mga santo at santa, mga Bishops at pari na binabalot ng maliwanag na ilaw. Nang humarap ako sa Panginoong Hesus, sinabi niya sa akin: Nais kong magbalik ka sa daigdig. Ikaw ang gagawin kong instrumento upang magbalik-loob ang mga tao sa akin.

Kinausap din ako ng Mahal na Birheng Maria: Sundin mo ang sinabi ng Panginoon. Tutulungan kita upang matupad ito. Sa tulong ng aking guardian angel, ako ay nakabalik sa ating daigdig. Hanggang ngayon ay hindi ko makalimutan ang kagandahan ng langit. Sa ospital, matapos ideklara ng doktor  na ako ay patay na, inilalabas na ang aking bangkay sa morgue nang bigla akong sumigaw dulot ng sakit mula sa mga sugat at nabaling buto. (Itutuloy)            

vuukle comment

AKING

ANG PAGBISITA

AWIT

BIRHENG MARIA

ISANG

PANGINOONG DIYOS

PANGINOONG HESUS

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with