^

Punto Mo

Ang Chinese na unang nakaisip ng rocket

- Arnel Medina - Pang-masa

ISANG Chinese official ng Ming Dynasty umano ang unang nakaisip umimbento ng rocket para makapunta sa outer space. Pinaniniwalaang si Wan Hu na nabuhay noong 16th century ang nagpasimula sa ideya ng rocket at ganundin ng fireworks technology.

Unang ginawa ni Wan Hu ay isang matibay na upuan. Nilagyan niya ito ito ng 47 rockets. Nakakabit ang 47 rockets sa ilalim ng upuan. Tinawag niya itong Rocket Chair.

Sa araw nang paglulunsad ng Rocket Chair, nagsuot nang magara si Wan Hu. Pagkaraan ay sumampa sa Rocket Chair at naupo roon.

Nasa paligid naman ng Rocket Chair ang 47 alipin na magsisindi sa mitsa ng mga rocket.

Sa hudyat ni Wan Hu, sabay-sabay na sinindihan ng 47 alipin ang 47 rockets. Pagkaraang sindihan, nagsitakbuhan ang mga alipin para magtago.

Nagkaroon ng pagsabog. Nang mahawi ang usok, wala na si Wan Hu at wala na rin ang Rocket Chair. Hindi na umano nakita si Wan Hu mula noon.

Sa isang artikulo na nalathala sa Scien­tific American, sinasabi naman na isinakripisyo si Wan Hu sa kauna-unahang pagpapalipad ng rocket. Makaraang maupo ay sinindihan ang mga rocket subalit sa halip na lumipad ay sumabog nga iyon at nasunog si Wan Hu. Namatay siya.

 

MAKARAANG

MING DYNASTY

NAGKAROON

NAKAKABIT

NAMATAY

ROCKET

ROCKET CHAIR

WAN

WAN HU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with