^

Punto Mo

Ang jueteng lord na si Dante Alvarez

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

TAKBUHIN pala ang jueteng lord na si Dante Alvarez at ang tropa niya. Matapos mahulihan ng 13 kubrador at matamaan ng P80,000, aba hindi na nagpaalam ang tropa ni Alvarez at lumayas na. Sinisiguro lang ng mga kosa ko, hindi natangay ng Super Bagyong Yolanda itong tropa ni Alvarez. Sa paglisan ni Alvarez at grupo n’ya, ang naiwang hilong-talilong ay itong mga kubrador na nakakulong at ang tumama sa jueteng niya. Sino ngayon ang magpipiyansa sa mga kubrador at mag-aabono sa tayang tumama? Tinitiyak kasi ng mga kosa ko na hindi na maglalabas pa ng milyones niya ang financier ng tropa ni Alvarez na si Nilo Bantogon. Halos P2 milyon ang inilabas ni Bantogon para makapasok sa southern Metro Manila at tiyak nakubra rin ng tropa ni Alvarez ang another P2 milyon bunga sa pinalabas nilang naka-bola sila sa Taguig. Habang ninanamnam ng tropa ni Alvarez ang pasobra nila sa pitsa ni Bantogon, itong nakakulong na mga kubrador at tumama sa taya ang naiwang tulala. Mismo! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan.

Ang ginamit ni Alvarez para makapasok ang jueteng niya sa siyudad ni Mayor Lanie Ca-yetano ay si PO3 Panfilo Araguta, na naka-assign sa NCRPO. Si SPO1 Jun Laurel naman ng intelligence division ng Taguig police ang nag-aabot ng lingguhang parating para sa opisina ni OIC Supt. Annie Bodanio at sa mga alipores ni Cayetano. Si Bodanio mga kosa ay ang pumalit kay Sr. Supt. Arthur Felix Asis na sinibak sa puwesto dahil sa maling report ukol sa kriminalidad sa siyudad ni Cayetano. Sa ngayon, may panggastos na sa researcher si Bodanio, siguro hindi na sila magkakamali sa pagreport ng krimen sa hurisdiksiyon niya, di ba mga kosa? Ang mga humuli sa mga kubrador ng tropa ni Alvarez ay ang taga-SOU ng Southern Police District (SPD). Bakit hindi makakilos ang mga taga-RPIOU ng NCRPO laban sa jueteng ni Alvarez? Dahil kaya kay Araguta? Kung sabagay, pera-pera na ang lakad ng RPIOU sa ngayon habang hindi nakatingin si NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. Ang sumbong kasi Gen. Garbo Sir, panay raid ni Capt. Blazo sa Quezon City subalit kung hindi bangketa ang lakad n’ya, tiyak ipatutubos niya ang mga nahuli niya. Ano ba ‘yan?

Sa totoo lang, hindi na bago ang estilo ni Alvarez at mga ka-tropa n’ya. Ang ganitong modus operandi rin ang ginamit nila para kumita sa mga pulitiko at jueteng financiers na gustong pumasok sa naturang negosyo, lalo na sa Quezon City. Alam ‘yan ng powerbroker sa Quezon City na si Perry Mariano at mga alipores niya sa media, di ba mga kosa?

Palalabasin kasi ng tropa ni Alvarez na may kontak sila sa DILG, PNP, NBI, GAB at iba pang ahensiya ng gobyerno at ang kulang na lang ay ang milyon na kapital. Kukuha ng pang-advance ang tropa ni Alvarez sa financiers, sisilawin ang mga kabo ng pitsa at palalabasin na nakapasok na sila. Kapag nakabola ng isa hanggang tatlong araw, kukuhin ng tropa ni Alvarez ang pangakong milyon at biglang tatalilis na. Hehehe! Goodbye na lang sa milyones ng financier. Mismo!

Kaya sa mga naghahangad na kumita ng easy money sa jueteng diyan, iwasan n’yo ang tropa ni Alvarez kung ayaw n’yong mawalang parang bula ang milyones n’yo. At sino si Leo Loyola? Abangan!

ALVAREZ

ANNIE BODANIO

ARTHUR FELIX ASIS

BANTOGON

NIYA

QUEZON CITY

TROPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with