Mga imbentor nanamatay dahil sa kanilang naimbento (2)
Karel Soucek --- Isa siyang Canadian professional stuntman na sumikat dahil sa pag-imbento ng “the capsuleâ€. Sumakay siya sa loob ng capsule at inihulog sa Niagara Falls. Nakaligtas siya subalit nagkaroon ng mga galos sa katawan.
Noong Enero 19, 1985, nakumbinsi ni Soucek ang isang kompanya na i-finance ang pagpapagawa ng isang barrel at ihuhulog ito sa tuktok ng Houston Astrodome sa Texas. Isang special water fall ang ginawa mula sa tuktok na may taas na 180 feet. Sa ibaba ay mayroong butas at dito babagsak ang barrel na kinaroroonan ni Soucek.
Subalit sa halip na sa gitna bumagsak ang barrel, bumangga ang barrel sa rim at nawasak. Grabeng nasaktan si Soucek. Namatay siya nang sumunod na araw.
Thomas Midgley --- Isa siyang American mechanical engineer at chemist. Nagkaroon siya ng polio noong edad 51. Naging disabled na siya mula noon. Lagi siyang nakahiga.
Pero kahit mayroong karamdaman, gumana ang pagka-imbentor ni Midgley. Naisip niyang gumawa ng isang device kung paano matutulungang bumangon sa higaan ang may polio.
Naisip niya ang system ng strings at pulleys. Sa pamamagitan nito maaaring makabangon ang disabled. Nagtagumpay si Midgley.
Subalit noong Nobyembre 2, 1944, sa edad 55, namatay siya dahil sa pagkabigti. Ang lubid na ginagamit sa device ay pumulupot sa kanyang leeg na kanyang ikinamatay.
- Latest