Inspirasyon
NANINIWALA ang book author na si Zig Ziglar na “Inspiration fuels Passion.†Aniya, walang ibang makapagbiÂbigay ng inspirasyon kundi tayo rin. Sabi pa niya, hindi hinihintay ang inspirasyon kundi hinahanap. Kung wala raw panibagong inspirasyon, maaaring mamatay ang passion at mawalan ng gana ang tao sa bagay na dati ay gustung-gusto niyang gawin. At dahil ang passion ay regalo mula sa Diyos, habambuhay itong buhayin sa ating mga puso.
Dahil naniniwala si Ziglar na ang passion ay mamamatay kung walang constant inspiration, narito ang payo niya kung papaano mananatiling inspired.
1. Mag-invest sa inspiration. Maglaan nang maraming panahon, talento at iba pang resources sa bagay na passionate ka. Mag-aral, mag-ensayo, magpakahusay. Dahil mas marami kang investment dito, mas poprotektahan mo ang bagay na ito na makuha ng iba mula sa iyo, mas hindi mo ito pababayaan.
2. Inquire for inspiration. Maghanap ka ng taong magaling at bihasa na sa industriya o bagay na sinisimulan mo pa lamang at layon mong maging magaling din. Taong kapareho mo ng passion, interes at paniniwala. Ang inspirasyon ay nakakahawa. Hindi ito naituturo. Nadarama at nararanasan ito. Mas madali kang matututo sa pamamagitan ng mga halimbawa at paggaya, kaysa sa pagpapaliwanag lang. Marami kang mapupulot sa taong iginugol nila at mga naranasan na.
3. Maging involved para makahanap ng inspirasyon. Kailangan lumabas ka rin sa iyong comfort zone at lampasan ang pagkahilig sa pagiging mag-isa. At some point kailangan mong makihalubilo at makibilang sa mga tao. Kapag naging bahagi ka ng grupong mas malaki sa iyo, nagiging responsible ka para sa iba. Mas inspirado ka, mas motivated at ganado kang galingan pa at hindi biguin ang mga kasama mo. May peer pressure na healthy din.
4. Gamitin ang imahinasyon para magkaroon ng inspirasyon. Napakalakas ng puwersa ng imahinasyon. Maraming bagay na nakikita natin ang nagsimula lamang sa imahinasyon. Sa ideya. Nakakatulong ang pagbi-visualize ng mga bagay upang mag-materialize ang mga ito. Malaking bagay ang faith o paniniwala na mangyayari ang ninanais mo. Sa madali’t salita, nakakatulong ang ma-ngarap! Mag-daydream ka!
- Latest