10 Signs na may ‘Long Life’ ka!
AYON sa researchers mula sa New England Centenarian Study at the Boston University School of Medicine, sa bawat 10,000 na tao, isa ang may tsansang umabot sa edad na 100 taon sa kabila ng kanilang bad health habits kagaya ng paninigarilyo o kakulangan sa exercise.
Narito ang mga palatandaan na ang isang tao ay may tsansang mabuhay hanggang ika-100th birthday:
1. Ang angkan na pinagmulan mo ay may longevity genes. Ang mga grandparents at great grandparents ay umabot sa edad na 90 plus.
2. Ang mabilis maglakad ay mahaba ang buhay ayon sa University of Pittsburg researchers. Ang normal na bilis ng paglalakad ay 3 feet per second (about two miles an hour). Kung higit pa rito ang bilis mo, malaki ang tsansa mong umabot ng 100 taon.
3. Mahilig kang makihalubilo sa mga tao at marami kang kaibigan.
4. Babae ka. Noong 2010, sa 80,000 centenarians na taga-US: 85 percent sa mga ito ay babae at 15 percent lang ang lalaki.
5. Nanganak ka noong 35 years old o mas matanda. Kung nanganak ka kahit 35 years old pataas, ibig sabihin ay mabagal kang tumanda dahil malusog pa rin ang iyong reproductive system sa kabila ng pagiging maedad.
6. Depende kung kailan ka ipinanganak. Ang mga batang babae na ipinanganak noong 2011 ay may 70 percent tsansa na mabuhay hanggang 100. Ang batang lalaki naman ay may 60 tsansa. Kung ikaw ay 20 year-old-woman noong 2011, may 26.6 percent tsansa samantalang ang lalaking 20-year-old ay may19.5 percent.
7. Masayahin ka.
8. Natuklasan ng reÂsearchers sa Albert Einstein College of Medicine na mas mahaba ang buhay ng mga “chubby†kaysa mga payat.
9. Mahaba ang iyong telomeres. Mahaba pang paÂliwanagan kung ano ang telomeres sa loob ng ating katawan. Basta’t humahaba ito kung ikaw ay mahilig kumain ng pagkaing rich sa omega-3 fatty acids; hindi naniÂnigarilyo at bihirang ma-stress.
10. Ikaw ay may positive attitude.
- Latest