Lampong (459)
H ABANG nasa delivery room si Jinky ay hindi naman mapakali si Dick sa pagkakaupo sa kuwartong hintayan. Madalas siyang tumayo. Lalakad sa may pinto at saka babalik sa upuan. Ang ibang lalaki na naroon ay sarap na sarap sa pagtulog. Mga apat silang lalaki na naghihintay doon.
Ganoon pala ang nararamdaman ng isang magiÂging ama. Kung anu-ano ang kanyang naiisip. Naiisip niya na baka ang isisilang ni Jinky ay kamukha ng itik. Weird na yata siya! Pero pilit niyang nilalabanan ang ganoong isipin. Naiisip din naman niya na baka may depekto ang isisilang ni Jinky dahil may edad na rin siya. Malapit na siyang mag-50 years old at si Jinky naman ay mahigit 30. Mayroon kasi siyang nabasang artikulo na nagkakaroon ng depekto ang baby kapag ang mga magulang ay atrasado nang mag-asawa. Ang ideyal daw na pag-aasawa ay edad 25 hanggang 30.
Tumayo uli si Dick. Ipinasok si Jinky sa delivery room ng alas-dose ng madaling-araw at ngayon ay pasado ala-una na. Ano kayang nangyari sa kanyang mahal na si Jinky? Kanina habang isinusugod niya rito sa ospital si Jinky ay nakahawak nang mahigpit sa kanyang kanang palad. May butil-butil na pawis sa noo nito. Halatang nahihirapan sa pinagbubuntis. Sabi ng OB-Gyne ni Jinky medyo malaki raw ang baby. Siguro raw ay hindi napigilan ang pagkain nang marami. Dapat daw ay magbawas na sa pagkain kapag malapit nang maÂnganak. Naalala ni Dick na gustung-gusto ni Jinky ang fried itik. Pinapapak ito.
Bumalik muli si Dick sa upuan. Kung sana ay kaÂsama niya si Mulong, walang problema. Mayroon siyang kausap. Nagkataon naman na mayroong pinuntahan sina Mulong at Tina.
Maya-maya, tumayo uli si Dick at ipinasyang magtungo sa comfort room. Bago makarating sa comfort room ay magdadaan siya sa DeÂlivery Room kung saan naroon si Jinky.
Hindi inaasahan ni Dick ang paglabas ng attending physician ni Jinky. Nakatawa ang doktora kay Dick.
“Dick, congrats, nag-deliver na si Jinky!’’
Masayang-masaya si Dick.
“Salamat po Doktora.’’
“After one hour, puwede mo na siyang ma-view.’’
Ano kayang itsura ng anak niya at lalaki kaya o babae?
(Itutuloy)
- Latest