^

Punto Mo

Ang gusto ni Roxas

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

Pabati lang: Belated Happy 90th Birthday Tatay Jesus Alquitran ng Rodriguez St., Alimodian, Iloilo!

*******

NAIIPIT sa dalawang nag-uumpugang bato si Chief Supt. Jose Erwin T. Villacorte, director ng Southern Police District (SPD). Habang patuloy ang bangayan nina Vice Pres. Jejo­mar “Rambotito” Binay at DILG Sec. Mar Roxas, nanganganib na masibak sa puwesto si Villacorte, o Jet for short. Hindi naman kaila sa inyo mga kosa na sina Binay at Roxas ang matunog na tatakbo sa 2016 presidential elections. Sa ngayon kasi, palaging sentro ng kilos ng kampo ni Roxas ay ang pagsibak kay Villacorte dahil sa suspetsang kaalyado siya ni Binay. Si Jet kasi mga kosa ay taga-Makati at natural lang kung may linya siya kay Binay. At ’yan ang ayaw ni Roxas na ang gusto ay ang lahat ng opisyales ng PNP ay lumuhod sa kanya. Pero may linya rin si Binay kay President Aquino kaya maaring ma-retain din si Jet, di ba mga kosa? Pero dapat hindi negatibo ang dating nitong panggigipit ni Roxas kay Villacorte mga kosa at imbes magsilbing hamon pa ito para lalong pag-igihan niya ang kanyang trabaho. Mismo!

Kung sabagay, marami namang accomplishments si Jet sa SPD. Subalit maaring kumambyo ang hangin kapag hindi maagapan ni Jet ang kampo ni Dante Alvarez o DA sa Calamba City, na magbukas ng jueteng sa SPD. Itong si Alvarez kasi mga kosa, ay bukambibig ang pangalan ni Roxas kaya naglakas loob itong sikuhin si alyas Allan sa SPD. Umabot sa P2 milyon na ang nagastos ni Alvarez sa mga operating units ng PNP, NBI, GAB at iba pang ahensiya ng gobyerno para makapagsimula na sila. Ang pitsa ay galing sa isang alyas Nilo Bantogon na umano’y isang scrap dealer at vice mayor ng Tuy, Batangas. Totoo kaya na P2 milyon pa ang ipinangako ni Bantogon kay Alvarez kapag nakapagbola na sila ng jueteng sa SPD? Subalit itong jueteng issue ay maaring gamitin ng kampo ni Roxas para masibak si Jet. Ano sa tingin n’yo mga kosa? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sinabi ng mga kosa ko na ang nagpupursigi na makapasok si Alvarez sa SPD ay si PO3 Panfilo Araguta, na naka-assign sa NCRPO. Aba, ayaw ni NCRPO director Chief Supt. Marcelo Garbo Jr. ng ganyan! Hindi lang management ng jueteng si Araguta at kakosa na si Jun Laurel, Gen. Garbo Sir dahil meron din silang palarong lotteng at video karera sa Taguig City. Si Laurel pala ang nag-aabot ng weekly tong para sa chief of police sa halagang P50,000 at P62,500 naman ang para sa alipores ni Mayor Lanie Cayetano. Sa Pateros naman, si kagawad Popeye ang tagabigay ng P50,000 sa COP at mayor. Hehehe! Kanya-kanyang raket lang ’yan!

Sa Makati naman ang bata ni Alvarez ay si alyas Cyrus at kaalyadong si Sixto, na puro kasinungalingan ang ikinakalat. Itong si Cyrus Sec. Roxas Sir ay may balak mag-pulis. Eh kung sibilyan pa lang siya ay sangkot na siya sa sugal, di lalo na siguro kung pulis na siya, di ba mga kosa?

‘Kaya ’wag kayong kumurap mga kosa at i-monitor ko itong pagbukas ng jueteng ni Alvarez sa SPD. Pag nagkataon mapapatunayan n’yan na bagyo talaga si Alvarez kay Roxas. Abangan!

vuukle comment

ALVAREZ

BELATED HAPPY

BINAY

BIRTHDAY TATAY JESUS ALQUITRAN

CHIEF SUPT

KOSA

ROXAS

VILLACORTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with