Lampong (453)
MINSAN, napagawi si Dick sa mga puno ng uloy. Marami nang mga bunga ang nalalaglag at kinakain ng mga itik ang mga buto. Pinagmamasdan ni Dick kung paano tukain ng mga itik. Parang palay lang kung tukain ang mga buto ng uloy. At tila walang pagkasawa ang mga duÂmalaga sa pagtuka sa mga buto ng uloy. Nag-uunahan ang mga dumalaga. Parang nalalaman na rin ng mga ito kung kailan babagsak ang bunga ng uloy. Pagbagsak ng uloy ay nabiÂbiyak ito at nagtatalsikan ang mga buto.
Hindi kaya ang buto ng uloy ang may kakaÂibang ingredient na naÂkapagpapasigla sa pagkalalaki. Wala naman siyang kakaibang ipinakakain sa mga itik. Kadalasan nga ay pawang palay ang ipinakakain niya at mga maliliit na kuhol. Ang palay at kuhol ay nagpapatibay sa mga itlog ng itik. Hindi agad nababasag ang mga ito.
Kumuha si Dick ng sampol ng mga buto ng uloy at dinala sa bahay. Kailangan niyang malaman kung ano ang nasa loob ng mga buto ng uloy at pinasasarap ang karne ng itik. Maaaring narito rin ang hinahanap niyang kasagutan kung bakit piÂnanumbalik ang tikas ng kanyang pagkalalaki.
Pero namroblema naman siya kung kanino ipaeÂeksamin ang mga buto. Hanggang sa maisip niya na tawagan si Pareng Rey niya. Maaari nitong ipasuri ang taglay ng buto ng uloy.
Pero hindi niya makontak si Pareng Rey. Ilang beses na niyang tinext at dinayal ang number pero walang sagot.
Baka naman busy sa trabaho.
Hanggang sa maisip ni Dick na dalhin na lamang sa isang kaibigan sa bayan ang mga buto ng uloy. Ang alam niya, may kilalang chemist ang kaibigan niya.
Makalipas ang ilang linggo, lumabas ang resulta at nagulat si Dick sa nalaman. May sangkap nga ang buto ng uloy na nakapagpapasigla sa pagkalalaki.
Ikinuwento niya iyon kay Jinky. At ikinuwento rin niya Mulong.
“Alam ko na ang nakapagpasigla sa akin, Mulong!â€
“Ano Ninong?â€
“Buto ng uloy!â€
(Itutuloy)
- Latest