^

Punto Mo

Ghost Burger: Ang hamburger na may ostiya sa ibabaw

- Arnel Medina - Pang-masa

MARAMING gimik na ginagawa ang mga hamburger restaurant para mapansin at makilala ang kanilang isinisilbing pagkain. Mayroong napaka-kapal na hamburger na halos hindi na kayang ubusin ng customer. Mayroong maaanghang na hamburger na halos umusok ang bibig at mayroon ding dinadaan na lamang sa magandang pangalan ng restaurant.

Pero ang isang hamburger store sa Chicago ay iba naman ang ginawang gimik para mapansin ang kanilang hamburger. Nilagyan nila ng ostiya (communion wafer) sa ibabaw ang kanilang hamburger.

Nakapalamuti ang puting ostiya sa ibabaw ng hamburger at agad na mapapansin ito.

Wala namang sinabi ang may-ari ng Kuma’s Corner Hamburger kung bakit naisipan nilang lagyan ng ostiya ang kanilang produktong hamburger na tinawag nilang Ghost. Kinuha umano ang pangalan sa Swedish metal band na Ghost B.C.

Ang hamburger ay may 10 ounces ng beef at nasa pretzel bun. Mayroong Ghost chile aioli at white cheddar cheese, at nasa ibabaw ang unconsecrated communion wafer o ostiya.

Napapailing ang mga customer kapag nakita ang Ghost Burger.

Pero sabi nila, ubod daw ito ng sarap at linamnam. (www.oddee.com)

CORNER HAMBURGER

GHOST B

GHOST BURGER

HAMBURGER

KINUHA

KUMA

MAYROONG

MAYROONG GHOST

NAKAPALAMUTI

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with