Goth
PAG-USAPAN natin ang mga taong mahihilig sa itim? Itim na damit, itim na make up, itim na lahat… ---- ang mag-goth.
Bago pa man nauso ang mga taong goth, sa kasaysayan ng kanluran, partikular na sa pagbagsak ng Roman empire ay mayroon nang mga goths -- ang Visigoths at Ostrogoths. Sila rin ang nasa likod ng pag-usbong ng Medieval Europe. Pero kung ang hitsurang goth ang pag-uusapan at ang kulturang kaakibat ng kanilang hitsura at gayak, noong 1970s na lang sila nagsimula.
Sa make-up, fashion at music naiiba ang mga goth. Kung gusto niyong malinawan sa mga goth, isipin ninyo na lang ang Addam’s Family. Itim na buhok, itim na eye liner, itim na kuko, itim na saplot. Napaka-mysterious ng hitsura nila at talagang hindi maikakailang madilim.
Iba ang goth sa mga emo bagamat pareho silang mahilig sa itim at parang ang dilim-dilim lagi at mistulang may dinadalang hinanakit. Pero hindi naman sila katulad ng iniisip nang marami na para bang mga suicidal na mga tao. May mga nakilala na akong goth at emo at masasaya rin naman sila. Iba lang ang taste nila sa maraming bagay kaysa sa nakararami. Pero tao pa rin sila. Ang mga emo naman mas emotional lang kaysa sa atin siguro. Mas feel nila ang mga bagay.
Hindi rin totoo na sinasamba nila ang demonyo sa kanilang pagiging mga itim. Hindi sila naiinggit sa mga popular. Sila ay ganoon dahil ganoong ayos ang nakaÂpagpapaligaya sa kanila. Hindi nila intensiyon ang magmukhang iba. Mas nanaisin pa nga nilang matawag na weird kaysa maging tulad ng lahat para lang maging sikatÂ. Naniniwala silang may mga mas mahahalagang bagay sa buhay kaysa tanyagan.
Naisip ko lang, ang galing na nakabuo ng kultura ang mag-goth. Ang galing na may maÂlaking bilang ng mga tao na napagbuklud-buklod dahil sa kanilang pare-parehong katangian, gayak at kagustuhan. Ikaw, saang subculture ka kabilang?
- Latest