^

Punto Mo

Kalat mo, iligpit mo!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nairaos na ang barangay election,  maliban sa ilang lugar kung saan nagkaroon ng deklarasyon ng  postponement dahil sa iba’t ibang kadahilanan.

Sa  pangkalahatan naman, base sa assessment ng Comelec at ng PNP, nairaos ito nang mapayapa at matiwasay.

Pero siyempre, hindi pa rin maisasantabi ang mga naganap na karahasan, isipin pang halalan pa lamang itong pambarangay.

Tapos na nga ang halalan, meron pa ring napapatay, gaya ng nangyari sa  Brgy. Manapao, Pontevedra, Capiz kung saan binaril at napatay ang nagwaging chairman.

Ang malungkot pa nga rito, ang kanyang nakatunggaling kapatid sa pagka-chairman ang siyang suspect. Nadamay pa at nasawi rin ang dalawa pa nilang kapatid na babae.

Marami ang katulad na ganyang insidente.

Magkakadugo o magkakamag-anak naggigirian dahil sa pulitika.

Iwan na natin ang mga karahasan na yan, at ngayong natapos na nga ang isa na namang halalan, ang dapat na harapin ngayon ng mga tumakbo, nanalo man o natalo, eh linisin ang kanilang ikinalat.

Dapat  kung paanong maaga pa noon kahit hindi pa campaign period ay ang sisipag nilang agad-agad eh maglagay  ng kanilang mga campaign posters, magkabit ng mga streamer, aba’y ngayon naman sana ay maging maagap sila sa pagliligpit at pagsamsam sa mga ito.

Eyesore talaga, lalu na ang mga harap ng mga paaralan na pinagdausan ng halalan. Dapat mahiya naman ang mga kandidatong ito, na lilipas ang mga araw eh nandon pa rin ang kanilang mga mukha na nagkalat sa mga lansangan.

Malamang na ito pa rin ang mabungaran ng mga mag-aaral na magbabalik-eskuwela,  ang mga mukha ng mga politiko.

Pati ang mga sample ballot na maging sa araw mismo ng halalan eh ipinamigay ng mga pasaway na kandidato at ng kanilang mga supporters, ayun kalat na sa buong barangay.

Talagang ang dungis tignan dahil maging ang mga kable ng kuryente eh sinabitan ng mga poster, nagdilim ang paligid.

Sana naman eh magkusa na ang mga tumakbong kandidato na tumulong para sinupin o iligpit ang kanilang mga kalat.

Ang siste kasi rito, komo tapos na ang eleksyon, lalu na ang mga natalo eh hahayaan na ang iba ang maglinis ng kanilang mga basura.

Talagang hindi natuto ang marami kapag ganito, pagda­ting ng matinding pag-ulan, malamang isa ang mga kalat sa eleksyon ang babara sa mga kanal na magiging sanhi ng matinding problema sa baha.

vuukle comment

BRGY

CAPIZ

COMELEC

DAPAT

IWAN

KANILANG

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with