^

Punto Mo

Ang depinisyon ng tsismis

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

SI Socrates ay isang Greek philosopher na nabuhay noong 469 BC hanggang 399 BC. Mataas ang  pagpapahalaga niya sa reputasyon ng kanyang kapwa tao kaya’t kinasusuklaman niya ang salitang tsismis.

Isang araw ay nakasalubong niya ang isang kakilala. “Narinig mo na ba ang kumakalat na balita tungkol sa ating kaibigang si Aristophanes ?” ang pambungad na bati ng kakilala kay Socrates.

Napangiti si Socrates at nagsalita. “Bago mo ibalita ang tungkol kay Aristophanes, nakakaseguro ka bang 100 % itong totoo?”

“Hindi, ikinuwento lang sa akin.”  

Tumango-tango si Socrates. “Ang balita ba ay tungkol sa kabutihan ni Aristophanes ? â€  

“Hindi, on the contrary, ang balita ay makakasama sa kanyang pagkatao.”

“Kung ganoon…bakit mo pa ipapasa sa akin ang kuwentong hindi naman pala kapakipakinabang?”

Ayon kay Socrates, ang balitang ipapasa mo sa ibang tao ay dapat na nakapasa sa Triple Filter Test. Unang filter test, dapat ay 100 % itong totoo. Pangalawang filter test, ang balita ay hindi dapat makakasira sa reputasyon ng tao. At ikatlong filter test, ang balita ay dapat na kapakipakinabang sa lahat. Kung hindi makakapasa sa Triple Filter Test ang ibabalita mo sa ibang tao, manahimik ka na lang, dahil ang magiging tawag dito ay tsismis at ang magiging tawag sa iyo ay tsismoso.

ARISTOPHANES

AYON

ISANG

MATAAS

NAPANGITI

NARINIG

PANGALAWANG

TRIPLE FILTER TEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with