^

Punto Mo

EDITORYAL - Malampaya funds gamitin lang sa energy development projects

Pang-masa

“NABABOY” ang Malampaya funds. Ma­raming nakinabang at yumaman. Ngayon, walang kaseguruhan kung ang mga nakinabang sa Malampaya funds ay maihahagis sa mabahong kulungan. Sa dami ng mga iniimbestigahang katiwalian ngayon kasama na ang PDAF at DAP, baka walang mangyari sa sinampang kaso sa mga lumustay ng Malampaya funds. Kabilang sa mga sinampahan ng kaso sa misuse ng Malampaya funds si dating President Gloria Macapagal-Arroyo at 20 iba pang opisyal ng Department of Agrarian Reform (DAR). Kabilang din sa kinasuhan si Janet Lim Napoles na unang kinasuhan sa P10 billion pork barrel scam. Umano’y nakapagbulsa si Napoles ng P900 milyon sa Malampaya funds. Sa mga pekeng non-government organizations (NGOs) ni Napoles napunta ang pondo ng Malampaya sa halip na mga magsasaka na nabiktima ng mga bagyong Ondoy at Pepeng noong 2009.

Hindi dapat gamitin ang Malampaya funds sa kapakanan ng mga magsasakang napinsala ng bagyo o sa anupaman. Ang Malampaya funds ay dapat lang gamitin sa mga pagkukunan ng enerhiya sa bansa. Sa katunayan, nilagdaan ni dating Presidente Marcos ang Presidential Decree 910 na nag-aatas na ang mga royalties o proceeds ng miniminang langis sa Malampaya, Palawan ay dapat gamitin sa energy development projects­. Wala nang iba pang paggagamitan ito. Bilyong piso ang nagiging proceeds ng Malampaya.

Subalit hindi ito sinunod noong panahon ni Arroyo. Inaprubahan niya na ang proceeds ng Malampaya ay gamitin ng mga naapektuhan ng bagyo at dito nagkaroon ng ideya ang mga matatakaw na buwaya sa DAR. Sa tulong ng mga pekeng NGOs, kinurakot ang pondo.

Paano pa mababawi ang pondo ng Malampaya na ibinulsa ng mga kawatan? Mahirap sagutin. Marami nang ninakaw sa pondo ng mamamayan na hanggang ngayon ay hindi na malaman kung nasaan na. Wala pa ring napaparusahan.

Ang magagawa na lang ngayon ay bantayan ng mamamayan ang Malampaya funds. At sana, hindi na gamitin ang pondo sa kung saan-saan lang. Ibuhos ito sa energy development program.

ANG MALAMPAYA

DEPARTMENT OF AGRARIAN REFORM

FUNDS

JANET LIM NAPOLES

KABILANG

MALAMPAYA

NAPOLES

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with