^

Punto Mo

Kumakain sa Heart Attack Grill naha-heart attack!

- Arnel Medina - Pang-masa

KUNG ano ang pinahihiwatig ng pangalan ng restaurant na Heart Attack Grill, iyon ang nangyayari sa mga customer na kumakain doon. Ngayong 2013, mayroon na namang namatay sa Heart Attack Grill dahil sa heart attack. Namatay si John Alleman, 52, ang unofficial spokesman ng restaurant.

Ayon sa report, si Alleman ang taga-tawag ng mga customer para kumain sa restaurant. Nasa may entrance ng restaurant si Alleman­. Labingwalong buwan na naging taga-tawag ng customers si Alleman. Ayon sa may-ari ng restaurant na si Jon Basso, hindi nila binabayaran si Alleman sa ginagawa nitong pagtawag sa mga customer. Binibigyan lang nila ito ng libreng pagkain na siyempre ay pawang burger. Noon pa ay pinagbawalan na nila si Alleman na kumain nang sobrang burger.

Ayon pa kay Basso, bago pumasok ang customers sa kanilang restaurant na pina­aalalahanan na ang pagkain doon ay hindi healthy. Dapat kumain lang doon nang minsan isang buwan.

Ang Heart Attack Grill ay napabilang sa Guinness World Record dahil sa kanilang “most calorific burger”. Mayroon silang Quadruple Bypass Burger, Triple Bypass Burger at Double Bypass Burger.

Noong 2011, na-heart attack ang kanilang spokesman at namatay sa edad na 29. Namatay ito dahil sa sobrang pagkain ng Quadruple Bypass Burger. Noong 2012, isang customer ang namatay habang kumakain ng Triple Bypass Burger, habang ang isang customer ay nag-collapsed habang kumakain ng Double Bypass Burger. (www.oddee.com)

ALLEMAN

ANG HEART ATTACK GRILL

AYON

BURGER

DOUBLE BYPASS BURGER

GUINNESS WORLD RECORD

HEART ATTACK GRILL

QUADRUPLE BYPASS BURGER

TRIPLE BYPASS BURGER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with