Babaing may artificial leg pinaka-mahusay magsayaw!
IPINANGANAK si Sudha Chandran sa Chennai, South India. Matalino siya. Nag-aral ng Economics sa isang unibersidad sa Mumbai. Pagkaraang maka-graduate ng degree, ipinasya niyang mag-aral muli ng Masters in Economics. Talagang hilig niyang mag-aral.
Sa isang trip niya mula Mumbai patungo sa Chennai, isang malagim na aksidente ang nangyari sa kanya. Nabangga ang sinasakyan at nadurog ang kanyang kanang paa. Kailangang putulin ang kanyang paa.
Noong una ay hindi matanggap ni Sudha ang mapait na nangyari. Bakit siya pa ang nagkagayon? Marami pa naman siyang pangarap sa buhay kaya siya walang tigil sa pag-aaral. Ngayong putol ang kanyang kanang paa, hindi niya alam ang gagawin sa buhay.
Hanggang sa maliwanagan at nagbalik ang pag-asa kay Sudha. Nagpagawa siya ng artificial leg. At doon nagsimula ang kanyang bagong pa-ngarap. Sa kabila na artipisyal ang kanyang kanang paa, naging mahusay siyang dancer.
Siya ang tinanghal na most accomplished and acÂclaimed dancers sa Indian Subcontinent. Marami ang humanga sa kanya at iniimbita siya para magtanghal sa buong mundo. Maraming awards siyang natanggap. Lumabas din siya sa Hindi television at mga pelikula.
Bulag na babaing runner, panalo sa olympic
SI Marla Runyan ang unang bulag na paralympian na sumali sa Olympic games sa Sydney noong 2000. Noong 1992 summer Paralympics, apat na gold medals ang nakuha niya. Noong 1996 Paralympics, nakakuha siya ng gold at silver medals. Siya rin ang three time national champion sa women’s 5000 meters.
Nabulag si Runyan nooong siya ay siyam na taong gulang. Nagkaroon siya ng Stargardt’s Disease.
Pero sa kabila ng kanyang pagiging bulag hindi siya nawalan ng pag-asa at lalo pang naging matatag. Ipinakita niya na kahit siya’y bulag, puwede siyang maging kampeon sa takbuhan.
Noong 2001, isinulat niya at nilathala ang isang libro ukol sa kanyang sarili na pinamagatan niyang No Finish Line: My Life As I See It.
- Latest