^

Punto Mo

Omega-3 fish oil para sa kalusugan

MD - Dr. Willie T. Ong - Pang-masa

MARAMI ang nagtatanong kung anong food supplement ang mabisa. Para sa akin, ang Omega-3 fish oil supplements ay napatunayan na ng mga dalubhasang doktor.

Ayon sa JELIS study, isang pagsusuri na ginawa sa Japan, naipakita na ang pag-inom ng Omega-3 fish oil ay nagbibigay ng proteksyon sa ating puso at utak. Sa pag-inom ng Omega-3, ang bad kolesterol natin ay bababa at ang good kolesterol naman ay tataas. May tulong din ang Omega-3 sa mga taong may altapresyon. At hindi lang iyan, may mga pagsusuri na nagpapahiwatig na ang Omega-3 ay maaaring lunas sa sakit sa utak at ugat tulad ng depression, Alzheimer’s disease at arthritis.

Dahil dito, ang tanyag na American Heart Association ay sumang-ayon na maganda ang Omega-3 sa ating katawan. Ang Omega-3 ay nakukuha sa mga “oily” na isda tulad ng sardinas, salmon, tuna at mackerel. Ngunit kailangan pa nating kumain ng napakaraming isda para makuha ang nilalaman ng isang kapsula ng Omega-3.

Alam kong sari-sari nang food supplement ang mabibili ngayon. Mayroon daw para sa puso, sa atay, sa kidney o sa utak. Ngunit ang katotohanan ay ang Omega-3 pa lamang ang napatunayan ng siyensiya na tunay na mabisa.

Isang kapsula lamang bawat araw ay sapat na para maprotektahan ang inyong puso. Hanapin sa internet o ikonsulta sa doktor ang tungkol sa Omega-3. Siguradong masasabi natin na ang Omega-3 nga ang magpapasigla ng ating katawan.

ALAM

AMERICAN HEART ASSOCIATION

ANG OMEGA

AYON

DAHIL

HANAPIN

ISANG

MAYROON

NGUNIT

OMEGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with