^

Punto Mo

Softdrinks or soda: ‘diabetes in a bottle’

DOCTOR’S TOUCH - Dr. Luis Gatmaitan M.D - Pang-masa

LAHAT nang pagkaing binibili natin ngayon sa mga fastfood chains ay may kasama ng inumin. Mas madalas kaysa hindi, softdrink ang naka-package sa ating inoorder. Kung gusto nating i-convert ito sa juice, magdadagdag pa ng higit kinse pesos. Ang matindi pa, ang karaniwang tanong ng crew sa counter ay ganito: “Sir, i-upsize na po ba natin?”

Softdrinks ang nakagawian nating tawag sa mga inuming soda. Ito ’yung inuming sinasabi nating may espiritu. Kapag nawala ang “spirit”, hindi na ito masarap inumin sapagkat puro tamis na lang ang malalasahan natin.

Pero sa ibang bansa, hindi softdrinks ang tawag sa ganitong inumin­. Mas kilala ito bilang “soda.” Kaya kapag tinanong tayo kung gusto natin ng soda, ang tinutukoy nila ay ang softdrinks.

Pero healthy ba ang ganitong palagiang pag-inom ng softdrink?

Ayon sa American Heart Association, ang palagiang pag-inom ng softdrinks at iba pang inuming matatamis ay nagbunga ng 130,000 na bagong kaso ng diabetes at 14,000 na bagong kaso ng sakit sa puso. May nagsabi tuloy na ang mga ganitong inumin ay puwede nating isipin na “diabetes in a bottle.” Bakit nasabing ganoon?

Ang isang softdrink na 12-ounce ay nagtataglay ng 150 calories at 40 gramo ng asukal sa anyong high-fructose corn syrup. Katumbas ito ng humigit-kumulang sa 10 kutsarita ng asukal. Hindi natin ito napapansin sapagkat nakahalo’t nakatimpla na ito sa ating mga iniinom.

Grabe ba? E, paano ang mga diet at zero-sugar softdrinks na mabibili rin natin. Ligtas din ba ito?

Sa unang tingin, parang mas okey ito sapagkat hindi tayo naku­kunsensiya sa dami ng asukal na pumapasok sa ating katawan. Sa halip na table sugar ang nakahalo, ang nagpapatamis sa ganitong inumin ay mga “artificial sugars.” Pero maraming pag-aaral ang ginawa sa Amerika na nagsasabing ibinababa nito ang regular na function ng ating mga bato (kidneys).

Maaga raw nada-damage ang ating kidneys dahil sa iniinom nating­ mga softdrinks. Kung iinom daw kasi tayo ng dalawang bote ng softdrinks sa maghapon, nagdudulot daw ito ng maagang pagkasira ng ating mga kidneys.  

May isang pag-aaral sa Harvard Medical School na gumawa ng pagsusuri sa 3,200 na kababaihang laging umiinom ng isa o dalawang baso ng diet softdrinks (artificial sugar ang nakahalong pampatamis). Natuklasang bumagsak ng 30 porsyento ang kidney function ng mga kababaihang ito kumpara sa mga taong umiinom din ng softdrinks na may nakahalong ordinaryong asukal.

Maaaring ito ang dahilan kung bakit popular ngayon ang mga “organic sugar”(gaya ng mascuvado) kumpara sa mga artificial sugars na sucralose, aspartame, at maltodextrin (hindi ko na babanggitin ang mga trade names ng mga sugar sachets na ito). Mas mabuting tubig na lang ang ating inumin.

*****

Happy birthday kay Dr. Deogracias Concepcion (October 18) ng Masbate City, Masbate at Diamond Bar City, LA County, Cali­fornia. Nagtapos ng Medisina sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM), si Dr. Concepcion ay anak nina Mr. Camilo Rosero at Mrs. Marcelina Concepcion ng Masbate City.

vuukle comment

AMERICAN HEART ASSOCIATION

ATING

DIAMOND BAR CITY

DR. CONCEPCION

MASBATE CITY

PERO

SOFTDRINKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with