‘Maliit na hakbang, higanteng pasanin’
HINDI na bago sa atin ang agawan sa lupa. Hindi na mabilang ang dugong dumanak nang dahil dito. Sa ating lipunan ngayon marami na ang hindi kumikilala sa kapatid, kaibigan at maski na magulang kung lupa ang pinag-uusapan.
“Namatay ang lolo kong hindi man lang nababawi ang lupang inagaw sa kanya. Hindi ko papayagang mawala rin sa mundo ang nanay kong hindi man lang natikman ang yamang ipinamana sa kanila.†Ito ang naging pahayag ni Yolanda Miguel, 60, taga Olongapo City ng magpunta sa aming tanggapan. Iminungkahi niya sa amin ang di-umano’y pagbebenta ng lupain na pagmamay-ari ng kanyang lolong si Balbino Alejandro ng bayaw ng kanyang tiyahing si Leonora Maya ng walang pahintulot galing dito. Ibinenta raw kasi ni Orsino Maya ang lupain ni Balbino sa Bataan na umaabot sa 35 hektarya. Hindi na nila nalaman kung kanino ito ibenenta ni Orsino at sa kung magkanong halaga. Ang alam lang nila’y ni isang kusing ay walang silang natanggap galing kay Orsino. Hindi raw alam ni Balbino kung bakit ang panganay pa niyang si Leonora ang magbibigay ng titulo ng lupain nila sa bayaw nitong si Orsino, na sinasabi ni Yolandang isang arkitekto. Ang masakit pa raw ay pineke pa nila umano ang pirma ni Balbino para mabenta ng tuluyan ang lupa. Alam ni Balbino na peke ang pirma sapagkat di naman siya nakakapagsulat kaya “thumbmark†lang ang ginagamit niya tuwing siya’y pipirma. Ang lupaing iyon ay pinamana pa raw ng tiyuhin ni Balbino na si Atanacio Gilvero sa kanya nung panahon ng mga hapones. Nagsaka raw sila Balbino at ang asawa niya dito na ikinabuhay nilang mag-asawa pati ng dalawa nilang anak na sina Leonora at Josefina. Bago pa man mamatay si Balbino sa edad na 105, paulit-ulit siyang pumunta sa Register of Deeds (RD) para makuha yung titulo ng lupa pero hindi na nagpakita pa si Orsino kaya hindi na naasikaso ng Register of Deeds ang lupa ni Balbino hanggang nung namatay siya.
Nakita raw ni Yolanda ang pagpupunyaging ginawa ng kanyang lolo para mabawi ang lupang ipapamana sana niya sa mga anak niya. Nagsabi pa raw itong “balang araw mapapasainyo rin ang lupa ko. Alagaan niyo ito dahil ito’y para rin sa inyo.†Nasaktan raw siyang maabutang namatay nalang ang lolo niyang hindi man lang nakakamit ang hustiya laban sa mga nanloko sa kanya. “Sabi ko sa sarili kong aayusin ko ang lupang dapat sana’y amin at hindi ko hahayaang mamatay lang din ang nanay kong napagkaitan ng kayamanang dapat sana’y kanyang natamasa,†pahayag ni Yolanda. 1999 raw nang simulan nilang ayusin ang mga dokumento para sa lupa nila ngunit marami raw naging aberya kaya’t hindi nila ito lubusang maisayayos. Hanggang nung bisitahin ulit ni Yolanda ang lupain at may nakapagsabi sa kanyang may bago nang nagmamay-ari ng luaping iyon. Pinuntahan agad niya ang Register of Deeds ng Bataan at napag-alamang pagmamay-ari na pala ito ng International Sports Development Corporation. Pumunta agad siya sa aming tanggapan para humingi ng tulong na mabawi ulit ang lupang kinuha sa kanila 30 taon na ang nakararaan.
Itinampok namin sa aming programang “CALVENTO FILES†sa radyo “Hustisya Para Sa Lahat†ng DWIZ882 khz (Lunes-Biyernes 3:00pm-4:00pm at Sabado 11:00am-12pm) ang kwentong ito ni Yolanda Miguel. SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES sinabihan namin si Yolanda na bagamat mahirap nang mabawi ang lupain nila dahil matagal nang wala sa kanila ang titulo, may pag-asa pa din silang makuha ito kung magtitiyaga silang maglakad ng mga dokumento at mag-antay sa mga resulta. May mga pinanghahawakang titulo ang mga di-umano’y pinagbentahan ng lupa ni Orsino kaya’t hindi magiging madali ang pagbawi nila dito. Ngunit pwede silang magsadya sa Questions and Documents Division (QDD) ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at ng National Bureau of Investigation (NBI) para makumpara yung sinasabi nilang pirma ni Balbino Alejandro sa Deed of Sale ng lupain at ng “thumbmark†niya sa naisumiteng reklamo sa Register of Deeds bago siya namatay. Dahil dito, malalaman nila kung si Balbino Alejandro nga ang nagbenta ng kanyang lupain o pineke lang ang pirma niya. Binigyan din namin sila ng referral letter sa Land Registration Authority (LRA) Main kay Atty. Eulalio Diaz III, ang administrator ng LRA para matulungan sila sa kanilang reklamo. *** Sa iba namang ulat, nais naming tawagan ng pansin ang sinumang nakakita kay Benjie ‘Jie’ Cauilan , 22 taong gulang, at isang taong may kakulangan sa pag-iisip
Nawala si Benjie, noong Agosto 17, 2012. Huli siyang nakita sa Manggahan, Pasig. Siya ay nakasuot ng blue na shorts, dirty white na t-shirt. May taas na 5’6’’ Kapag lumalakad ay madalas siyang nakayuko at naÂkaÂtsinelas na kulay itim. Kung inyong kinukopkop ang taong ito, nais naming ipaalam sa inyo na may gamot siyang kailaÂngan inumin para di lumala ang kanyang kalagayan. Maari kayong makiÂpag-ugnayan sa mga numero sa ibaba. Maraming salamat po. (KINALAP NI MIG KAREN RAMIREZ) Sa gustong dumulog para sa inyong problemang ligal magpunta lamang sa 5th floor CityState Centre bldg. Shaw Blvd., Pasig City. Maari kayong magtext sa 09213263166 (Chen), 09213784392 (Carla), 09198972854 (Monique) o tumawag sa 6387285 at 7104038. Maari kayong lumiham sa pamamagitan ng email sa [email protected]
- Latest