Lampong (437)
BITBIT ang sako na may cobra, tinungo ni Mulong ang likod ng bahay. Doon niya papatayin ang cobra at kukunin ang dugo.
Inihanda muna niya ang matalas na itak. Naghanda na rin ng baso na pagsasahuran ng dugo. Isang basong dugo lang daw ay sapat na.
Ayaw sana ni Mulong na pumatay ng ahas dahil hindi naman ito nagbibigay ng panganib sa kanya, pero dahil kailangan ng kanyang kaibigan, papatayin niya ang kobra.
Dinukot niya ang cobra sa loob ng sako. Sabi ni Tandang Atong, hawakan niya sa buntot ang cobra at saka itaas ito. Hindi na ito makakakilos. Ganun nga ang kanyang ginawa. Hinawakan niya ang buntot ng cobra at itinaas. Inilabas niya sa sako. Walang kakilus-kilos ang cobra. Hinagilap niya ang ulo ng cobra at hinawakan nang mahigpit. Hindi na makakilos ang cobra.
Dinampot niya ang matalas na itak at ginilitan ang cobra. SumiÂrit ang dugo. Itinapat niya sa baso. Agad na napuno ng dugo ang baso.
Walang kakilus-kilos ang cobra. Parang gulay na. Patay na yata!
Pinakiramdaman niya. PÂatay na nga.
Marahan niyang ibinaba sa semento ang cobra. Patay na nga! Mabilis palang mamatay ang cobra kapag nakuha ang dugo.
Tinakpan niya ng dahon ng saging ang baso na may dugo.
Muli niyang dinampot ang patay na cobra at dinala sa may kulungan ng itik sa di-kalayuan. Kumuha ng pala at nagsimulang maghukay para sa paglilibingan ng cobÂra. Nang hanggang tuhod na ang hukay, ibinaon niya roon ang cobra.
Binalikan niya ang baso na may dugo ng cobra at dinala kay Dick.
“Dick ito na ang juice mo --- cobra juice,’’ sabi niya.
Sabik na tiningnan ni Dick ang dugo sa baso.
‘‘Mapulang-mapula! Ano kayang lasa nito?’’
‘‘Iinumin mo na ba ngayon, Dick?’’
‘‘Mamayang gabi.’’
‘‘Sige, Dick. Good luck.’’
KINAGABIHAN, habang may nire-research si Jinky sa laptop, inilabas ni Dick ang dugo ng cobra. Iinumin na niya. Hindi na niya ipinaalam kay Jinky. Sosorpresahin na lang niya.
Nagtungo siya sa banyo. Doon niya tutunggain.
Hawak ang baso, pumikit si Dick. Handa na siya. Uubusin niya ang laman ng baso!
Pero bago niya natungga, dumating si Jinky. Nakita ang hawak niya.
“Ano yan, Dick?’’
“Dugo ng cobra!’’
‘‘Huwag Dick! Huwag mong inumin ‘yan!â€
(Itutuloy)
- Latest