^

Punto Mo

Kapangyarihan ng social media

WANNA BET - Bettinna P. Carlos - Pang-masa

NGAYON kapag may facebook, twitter, instagram o kahit cell phone may camera at internet lang, powerful ka na. Kaya mong i-promote ang kahit anong ideya, adhi­kain o mapa negosyo man. Pati na rin ang mag-expose at maglapit sa kinauukulan ng  footage na ibinabalita. The same way with good news and positive things.
Dahil sa modern technology kaya naibalita ang tatlong babaing pumatay sa isang tuta. Dahil din sa Youtube kaya nadiskober si Charice Pempengco ni Oprah Winfrey. Sa pamamagitan lang din ng text brigade kaya na-mobilize ang EDSA Dos noon, pati ang Million People March noong nakaraang buwan.

Hindi maikakailang napadali ng technology at social media ang takbo ng mga bagay. Kaysa nga mag-text brigade ka na may bayad isang post lang sa twitter ay maaaring daan o libo ang makakabasa at mai-inform kaagad.

Isa pang magandang halimbawa ang Instagram na nagbigay-daan sa pag-usbong ng mga modern businessmen o online sellers. Praktikal at hindi masyadong magastos. Kaysa magtayo ng sariling tindahan at gumastos pa sa materyales at renta, sa cell phone lang ay mabi-view na ang items na gusto mong bilhin. Ilang text exchange lang at deposito ng bayad dalawang araw lang ang hintayan at made-deliver na ang inorder mo sa mismong bahay mo. Mabilis, cost-effective, practical, modern. Kahit ang pagpapadala ng mga gamit ngayon hindi na kahon-kahon at kailangang dalhin lahat sa courier. Mismong courier na ang pi-pick up sa bahay mo at libre pa. Online mo lang.

Ipagpasalamat natin ngayon ang mga ganitong paraang available sa atin.  Libre na ngayon ang maghayag at magpromote. Talagang walang makakapigil sa freedom of expression.

Dalangin ko lang sana ay gamitin nang tama ang social media. Hindi pa rin nawawala ang mga nagbi-video ng kabastusan, kalupitan at pangloloko lang. Maging responsable sa inyong paggamit. Bago ka mag-post,  isipin muna: ano ba ang goal ko? ang maghayag at magpromote. Talagang walang ma­kakapigil sa freedom of expression.

Dalangin ko lang sana ay gamitin nang tama ang social media.

Hindi pa rin nawawala ang mga nagbi-video ng kabastusan, kalupitan at pang­loloko lang. Maging responsable sa inyong paggamit. Bago ka mag-post,  isipin muna: Ano ba ang goal ko?

ANO

CHARICE PEMPENGCO

DAHIL

DALANGIN

KAYSA

LANG

MILLION PEOPLE MARCH

OPRAH WINFREY

TALAGANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with