Ang ‘pinaka’ sa Hong Kong
NA-ASSIGN ako sa isang feature sa Hong Kong para sa programa ng GMA News TV na “Ang Pinaka,†kung saan naglilista ng 10 pinaka --- pinaka-masarap na kainan, pinaka-patok na pasyalan, pinaka-masayang gawain, pinaka-gwapo, pinaka-maganda etc. At sa partikular na episodes, natunghayan namin ang mga pinaka-yummy at pinaka-funtastic in Hong Kong.
Huli akong bumisita sa HK fifteen years ago. Uso pa noon ang Baby G na relo at Fornarina na mga step-in. At talaga namang kasabay ng pag-comeback ng G-shock ang aking pagbabalik-HK. Napakaraming bagay ang hindi ko maalalang nakita sa huling pagbisita. Lalo na at marami ng reclaimed lands. Pero isang spot ang hindi nagbago --- ang The Peak, pinakamataas na lugar na matatanaw ang Victoria Harbour. Ang tram paakyat ng Peak ay hindi lamang pala pangturista lamang. Public transportation din ito.
Ang pinakamataas na hotel sa buong mundo ay nasa Hong Kong. Ito ay may 118 floors. Mall at mga opisina sa ibaba at hotel naman sa mas matataas na mga palapag. Ang Hong Kong ang may pinakamahabang 2-layered bridge na may railway sa buong mundo. Back up ang kalye sa ilalim ng tulay dahil bawal itong padaanan kapag may bagyo dahil sa lakas ng hangin. Nathan Road ang main road sa Hong Kong.
Napakarami naming binisitang restaurants. Ang mga sumusunod ay ilan lamang: Ang Nordic Finds na isang 12-course, fine dining restaurant kung saan ang bawat course ay inihahaing may kasabay na kuwento tungkol sa pinanggalingan ng mga sangkap na nasa dish; Ang Tapagria ay nasa 18th floor ng isang building at makikita roon ang buong Hong Kong. Ang Tapa ay tumutukoy sa anumang pagkaing maliit ang silbi na layong pagsaluhan ng maraming tao; Ang Tim Ho Wan na may 1-Michelin Star Rating ang sinasabing pinaka-affordable na eatery sa buong mundo. Nakadaupang-palad namin ang may-ari. Napakasimple. Magbubukas sila ng branch sa Maynila; Unang pagkakataon na nakatikim ako ng organic wine sa La Cabane, na pagmamay-ari ng isang Pranses.
Ang Bubba Gump Shrimp Co. Resto sa the Peak, ang nag-iisang chain ng restaurants na ang tema ay ayon sa pelikulang Forrest Gump; Ang pinakamasarap na wonton noodles ay natikman ko sa Mak’s NoodlesÂ. Isang establisimentong 150 years na sa industriya ng pagkain. Ikatlong henerasyon na ngayon ang nagpapatakbo ng Max’s.
Manood ng “Ang Pinaka†tuwing Linggo 5:45 ng hapon sa GMA News TV. AntabayaÂnan ang Yummy in HK Episode ko ngayong Oktubre!
- Latest
- Trending