^

Punto Mo

‘Crime season’

BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

KAPANSIN-PANSIN na tuwing “ber” months, dagsaan ang mga tao sa mga night market partikular sa kalakhang Maynila. Abalang-abala na ang publiko sa paghahanda sa mga pagdiriwang at mga okasyon na may kinalaman sa kapaskuhan.

Dahil mas konbinyente at walang trapik sa gabi, ang marami, sinasambot ang magdamag sa pamimili ng lahat ng maaari nilang kailanganin. Isa ito sa mga positibo at pabor na dahilan kung bakit mas marami ang nagsa-shopping dis-oras ng gabi. Subalit, sa kabila nito, lamang pa rin ang mga negatibong dulot ng pagbababad sa night market.

Bagamat wala namang pinipiling panahon, oras o araw ang mga masasamang-loob para umatake at mambiktima, mas mataas pa rin ang kriminalidad kapag kagat ng dilim o bago sumikat ang araw.

Tyempo kasi ito ng mga putok sa buhong kawatan para manalisi, mangholdap, magnakaw at mandukot ng lahat ng maaari nilang pakinabangan.

Magandang pagkakataon din ito sa mga balahurang taxi driver na nag-aabang at walang tigil sa pag-iikot at pagroronda para makadenggoy ng mga bibiktimahin.

Isang lang ang punto dito ng BITAG, iwasang magpagabi sa labas lalo na sa mga lansangan. Hindi na ito bago sa publiko pero patuloy kaming magbibigay ng babala na ang lansangan ay lungga ng mga kriminal at masasamang-loob.

Kung talagang hindi maiwasan at kapos na kayo sa oras para mamili, mabuting lumakad ng maramihan o lumabas by-the-group. ‘Wag makipagsubukan at makipagmatigasan sa mga kawatan!

Nasa amin ang babala, nasa inyo ang pag-iingat!

Manood at makinig ng Bitag Live! araw-araw tuwing 10:00-11:00 ng umaga sa AKSYON TV Channel 41 at Radyo 5 o via live streaming sa www.bitagtheoriginal.com/bitagsarado. Sa mga episode ng Pinoy-US Cops-Ride Along at BITAG, ugaliing mag-log on sa www.bitagtheoriginal.com.

 

ABALANG

BAGAMAT

BITAG LIVE

COPS-RIDE ALONG

DAHIL

ISA

ISANG

MAGANDANG

MANOOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with