^

Punto Mo

EDITORYAL - Wala na kayang ‘buwaya’ sa Bureau of Customs?

Pang-masa

NAGKAROON na ng revamp sa Bureau of Customs­! Pagkaraan ng apat na buwan, mula nang harap-harapang sermunan ni President Aquino sa kanyang SONA ang Customs, naipatupad din ang revamp. Nailipat na raw ang “tatlong hari” at limang bagong opisyal ang nailagay sa puwesto. Isa sa mga nilagay sa puwesto ay si retired Armed Forces chief Gen. Jessie Dellosa na hinirang na deputy commissioner for enforcement at officer-in-charge of intelligence division. Dalawang puwesto ang inokupa ni Dellosa. Siya ay tubong Tarlac at naging hepe ng Presidential Security Group (PSG) ni dating President Cory Aquino, ina ni P-Noy. Ang iba pang inilagay sa puwesto ay sina Trinidad Rodriguez, Myrna Chua, Primo Aguas at Agaton Teodoro Uvero.

Sa pagkakaupo ng limang appointees, inaasahan na magkakaroon ng pagbabago sa Customs. Malaki ang tiwala sa kanila ni P-Noy. Sabi ni P-Noy nang sermunan ang Customs noong SONA, saan daw kumukuha ng kapal ng mukha ang mga taga-Customs. Narito ang bahagi ng sinabi ni P-Noy: “Walang pakundangan ang pagpapalusot nila ng kalakal, pati na ng ilegal na droga, armas, at iba pa sa ating teritoryo. Tinataya nga po ng Department of Finance na mahigit 200 billion pesos ang kita na dumudulas lang at hindi napupunta sa kaban ng bayan. Saan po kaya kumukuha ng kapal ng mukha ang mga kawani sa ahensyang ito?”

Malaki ang inaasam ng Malacañang sa mga bagong hirang. Hindi lamang ang mataas na revenues kundi pati na rin ang paglipol sa mga “hayok” na “buwaya” sa Customs. Bago maabot ang mataas na revenues dapat unahin muna ang mga “buwaya”. Simulan na ang paglipol para mapatunayan na karapat-dapat sila sa puwesto. Sila ang magsimula kung hindi kaya ng kasalukuyang Customs commissioner. Matutuwa ang taumbayan kung mawawala ang mga “buwaya” sa Customs.

vuukle comment

AGATON TEODORO UVERO

ARMED FORCES

BUREAU OF CUSTOMS

CUSTOMS

DEPARTMENT OF FINANCE

JESSIE DELLOSA

MALAKI

P-NOY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with