Bogus Diets (Last of 3 parts)
Apple Cider Vinegar Diet
Noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ginagamit na gamot sa scurvy ang apple cider vinegar ng mga sundalong Amerikano. Nang magtagal ay natuklasang ang apple cider vinegar pala ay nakakawala ng gana sa pagkain. Ang rekomendadong dosage ay uminom ng 3 kutsaritang apple cider vinegar bago kumain ng almusal, tanghalian, at hapunan. Ang apple cider vinegar ay acidic kaya nakakasira ito ngipin, nagpapakati ng lalamunan at nakakasakit ng sikmura at tiyan.
Martha’s Vineyard Detox Diet
Mababawasan ng 21 pounds ang timbang sa loob ng 21 araw. Wala lang kakainin kundi fresh fruit juice, fresh vegetable juice, herbal tea, tubig at soup sa buong maghapon sa loob ng 21 araw. Paano ka makakakilos o makakapagtrabaho nang maayos kung laman ng iyong tiyan ay pulos juice at tubig? Walang solid food, walang carbohydrates, walang protina na siya pa namang importante para magkaroon ng energy ang katawan. Kapag bumalik sa normal ang diet, malaki ang tsansang bumalik ang timbang na natanggal.
Palatandaan ng bogus diet ayon sa British Heart Foundation:
Being encouraged to follow a restrictive diet - sometimes involving unusual combinations of food -often for short periods of time.
Diets that recommend a “quick fixâ€.
Weight loss programmes that claim “magical†fat burning properties.
Any diet that claims weight loss of more than 2lbs a week.
Diets that focus on appearance rather than health benefits.
Ang epektibong “diet†ay dapat nagmula sa rekomendasyon ng lisensiyadong dietician. Ang diet ay kinapapalooban ng pagkain mula sa lahat ng food groups. Mas bibigyan ng halaga ang quantity ng kakainin ngunit hindi ikokompormiso ang quality or nutrition na nakapaloob sa diet.
- Latest