Alagang kabayo ng mag-asawa umakyat sa bubong
HINDI makapaniwala ang mag-asawang Stephen at Pat Downey ng New Brunswick, Canada nang makita isang umaga ang kanilang alagang kabayo na nasa bubong. Nakatayo ang kabayo at walang kakilus-kilos. Hindi maipaliwanag ng mag-asawa kung paano napunta ang kabayo sa bubong ng kanilang garahe.
Ayon sa mag-asawa, marami silang alagang kabayo. MaÂtagal na umano silang nag-aÂalaga ng kabayo, 15 taon. Nasanay na sila na pagbangon sa umaga na nakikita ang mga kabayo sa paligid. Kaya nang makita ang kabayo na nasa bubong, ay hindi sila makapaniwala. Ngayon lang nangyari na mayroong kabayo na napunta sa bubong.
Hula ng mag-asawa, lumukso ang kabayo sa bubong at hindi na ito makababa. Pero ang nakapagtataka ay kung paano nakalukso ang kabayo sa ganoon kataas na bubong ng garahe.
Kinunan nila ng retrato ang kabayo habang nasa bubong.
Para mapababa ang kabayo, itinaboy nila ito sa mababang portion ng bubong para makatalon. Inabot din sila ng ilang oras bago napababa ang kabayo.
Marami ang ayaw maniwala sa mag-asawa pero nang ipakita nila ang retrato, nakumbinsi sila.
- Latest