^

Punto Mo

COA at mambabatas, dapat magpaliwanag

KUWENTONG PALASYO LARGABISTO - Ely Saludar - Pang-masa

SARISARI ang reaksiyon sa naging privilege speech ni Sen. Jinggoy Estrada ukol sa umanoy paglustay ng PDAF. Dahil ang pinag-uusapan dito ay pera ng taumbayan, dapat magpaliwanag ang COA, ilang senador at kongresista na sinasabing mali ang paggamit ng kanilang PDAF.

Nakatawag ng aking pansin sa talumpati ni Estrada ay kung bakit hindi taun-taon nag­lalabas ng findings ang COA. Umabot pa kasi ng ilang taon bago nagsagawa ng special audit­ ang COA. Kung taun-taon ay nagkakaroon ng pag-audit,  baka hindi na umabot na bilyong piso ang nakulimbat sa pondo.

Ikinatwiran ni COA chairperson Grace Pulido Tan na ang ginagawa nilang taun-taon ay isang regular audit  pero hindi ito komprehensibo samantalang ang taong 2007-2009 ay special audit na dumitalye nang husto sa PDAF. Ibig sabihin ni Tan na sa regular audit ay hindi mabusisi at  mas marami ang puwedeng makalusot sa paggamit ng pondo ng bayan? Ang pangunahing tungkulin ng COA ay bantayan kung tama ang paggastos ng mga ahensiya ng gobyerno .

Dapat  magpaliwanag sina House majority floor leader Neptali Gonzalez ll at dating An Waray party list representative Florencio Noel dahil nabanggit ni Estrada ang maling paggamit ng kanilang PDAF. Nakapagtataka kung ba kit nagbuhos si Noel ng P28 million sa Mandaluyong City samantalang mas maraming mga Waray sa kanilang lalawigan ang naghihikahos at nangangailangan ng tulong. Dapat ding ipaliwanag ni Gonzales ang P6 milyon na hamburger at kung sino sino ang nakakain nito.

Ngayong nagkabistuhan, panahon na upang magpatupad ng makatotohanang reporma  sa sistema ng paggastos sa pondo ng bayan .

Kung talagang mapapatunayan na nagkasala si Estrada dapat lang itong papanagutin kasama sina Senators Juan Ponce Enrile at Bong Revilla. Dapat minsanan na para maubos ang mga mambabatas at mga opisyal na nagsamantala sa pondo ng bayan.

vuukle comment

AN WARAY

BONG REVILLA

DAPAT

FLORENCIO NOEL

GRACE PULIDO TAN

JINGGOY ESTRADA

MANDALUYONG CITY

NEPTALI GONZALEZ

SENATORS JUAN PONCE ENRILE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with