Mga kawatan, aktibo na naman!
Katanghaliang tapat kahapon nang agawan ng bag ng kawatan na tandem ang isang negosyante sa Quezon City.
Aabot sa halos kalahating milyong cash at mamahaling cellphone ang natangay sa trader na si Joy Chua.
Naganap ang pang-aagaw ng riding-in-tandem sa harap mismo ng tanggapan ng biktima sa Don Ignacio Building sa E. Rodgriguez Avenue sa lungsod.
Noon lamang nakalipas na Linggo, alas-2:45 din ng tanghali nang pagbabarilin naman ang dalawang lalaki sa may panulukan ng Gumamela at Pamela Sts. sa Brgy. Lower Bicutan sa Taguig ng dalawang hindi pa nakikilalang lalaki.
Noong nakalipas na Biyernes, isang mag-ama ang pinasok sa loob ng kanilang bahay ng armadong mga suspect at doon niratrat hanggang sa mapatay sa lungsod Quezon.
Halos kasabay nito, isang Indian national ang binaril din habang naniningil ng pautang sa may Pio Valenzuela St., Brgy. Marulas sa Valenzuela.
Sa Caloocan noon ding Biyernes ng madaling-araw ang binoga at napatay ang isa ring negosyante.
Sunud-sunod ang serye ng mga patayan, snatching at panghoholdap.
Madalas na nalulusutan ang pulisya partikular sa Metro Manila. Ito ay sa kabila na nakaalerto ang mga pulis dahil na rin sa kaguluhang nagaganap sa Zamboanga na sinasabing baka umabot sa Metro Manila kaya kailangan ang matinding pagbabantay.
Meron din naman silang itinatatag na checkpoint sa mga estratihikong lugar, pero ang madalas na katanungan eh bakit nalulusutan.
Hindi bale kung paminsan-minsan, pero mukhang nadadalas ang pag-atake ng mga kriminal at kawatan, ang mga riding-in-tandem na ngayon ay namamayagpag na naman.
Baka naman may pagkuÂkulang sa estratihiya at hanggang ngayon ay patuloy na hinahanap ng taumbayan ang mga pinakalat na pulis sa lansangan.
Hindi nga ba’t sinasabing maraming mga pulis na daÂting nasa opisina lamang ang pinalabas na ng pamunuan para magbantay sa mga mamamayan, pero nasaan ang mga ito at nasaan din ang mga dati nang pinakalat na tauhan. Mukhang imbes na maramdaman ang kanilang presensiya eh ang ramdam ay ang presensiya ng mga kriminal.
Lalo na nga ngayong ‘ber’ months na aktibo ang mga kawatan ay doon lalong hinahanap ng ating mga kababayan ang pagiging aktibo ng ating kapulisan.
- Latest