^

Punto Mo

Heaven and Hell

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

Isang lalaki ang nagwika ng “Sana marating ko ang heaven and hell  bago ako mamatay!” Sa isang iglap ay napapunta siya sa isang malaki at magandang palasyo kung saan nagaganap ang tila isang party. Isang anghel ang kasama niya. Ang bilog at malaking mesa ay punong-puno ng masasarap na pagkain. Nakapaligid dito ang mga nakaupong tao. Kung titingnan, sobra-sobra ang pagkain sa mga taong nakapalibot sa mesa. Ngunit ang ipinagtataka ng lalaki ay iilan lamang ang kumakain. Mas marami ang nagugutom. Paliwanag ng kasamang anghel:

“May instruction sa itaas na makakakain lang sila kung gagamitin ang kutsara na nakakabit sa kanilang kanang siko. Pero…kita mo naman, imposibleng makakain sa ganoong sitwasyon. Ang nakita mong kumakain ay nandaya. Sinuway nila ang utos sa itaas. Tinanggal nila ang kutsarang nakakabit sa siko at dinakot na lang ang pagkain. Silang mandaraya lang ang nabusog.”

Maya-maya ay isinama siya ng anghel sa isa rin palasyo na kasingganda ng nauna nilang pinuntahan. Naratnan nila ang kagayang eksena sa unang palasyo. May bilog at malaking mesa na puno ng masasarap na pagkain. May kutsara rin nakakabit sa siko ng mga taong nakapaligid doon. Ngunit ang ipinagkaiba ay masasaya ang mga tao doon dahil nakakakain sila. Paano? Dahil imposibleng isubo sa sariling bibig ang kutsarang nakakabit sa kanilang siko, naisip nilang subuan ang kanilang katabi na nasa  kanan. Ang katabi nilang nasa kaliwa ang nagsusubo naman sa kanila. Ayos! Nagawan nila ng paraan kaya na-enjoy nila ang pagkaing nakahain sa mesa.

Saka lang naisip ng lalaki na hindi na pala kailangang tu­mawid pa sa kabilang dimensiyon para hanapin ang heaven and hell.  Matatagpuan ang langit kung saan may pagmamahalan at pagtutulungan. Ang hirap hanapin! Samantalang ang impiyerno ay sa Pilipinas lang pala matatagpuan. Easy lang hanapin. Habang binabaha ng putik at basura ang mga kawawang mamamayan na buong katapatan nagbabayad ng buwis; ang mga buwaya ay binabaha ng kuwarta mula sa pinagpaguran ng mamamayang bumoto sa kanila.

AYOS

DAHIL

HABANG

ISANG

LANG

MATATAGPUAN

NAGAWAN

NGUNIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with